that's right!
tapos na po ang npakatagal na paghhintay ng mga PUPian graduates batch 2012 !!
Bukas, May 11 na po ang aming pagtatapos :)
hihihihihi !
di ko alam kung nostalgic ba ako kc bgla akong npapangiti habang nagttype ngayon ..
hndi ako nbabaliw ok ?!
para lang pero hndi pa tlaga .. mejo malapit lapit na ^^ hahaha !
niweiz , un nga reminiscing ang drama ko ngaun ,
bnabalik-blikan ko ung araw na una akong tumuntong ngt PUP .
parang engot lang . sobrang mangha sa obelisk na araw-araw bumubungad sa akin tuwing papasok ako sa aking sintang paaralan . para bang napakatayog at npakayabang ng bitwing matatanaw sa tuktok nito ..
waring nagsasabi na sobrang palad ko at ako'y npabilang sa ilang biniyayaan ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral sa isang isteyt U .
Sobrang sarap lang isipin na magtatapos na ko makalipas ng napakaraming sakripisyo na talaga namang nagpatatag sa aking pagkatao ..
Sobrang dami kong natutunan sa pamamalagi ko sa PUP . well , di ko pa naman lilisanin ang lugar na iyon dahil dun ko muli bubuuin ang isa ko pang pangarap na pangarap din para sakin ni Mama ..
ang maging ganap ng ABOGAGA .. ay ABOGADA pala :) mais !
Sabi nga ng marami , hndi ka lang matuto sa apat na sulok ng klasrum na araw-araw mong pinapasukan . bagkus , may marami ka pang matututunan sa labas ng paaralan .
Sa PUP hndi mo na kailangan pang lumabas . Sa loob pa lang makakasalamuha mo na ang maraming tao na may iba-ibang pagkatao .. pawat isa yunik . may mayayaman , mga papabols (wala pang pumasa standard ko eh . chos !) magaganda (kung saan ako nabibilang) , makakapal mukha (ako founder . haha!) , mga geek , debaters , aktibista at higit sa lahat mga ordinaryong Pilipino na tlaga namang mabibilib ka pag nalaman mo ang pinanggalingan . May mga anak ng mga magigiting na OFW , masisipag na magsasaka , marangal na mga naglalabada , kaagay na mga kasambahay at mga todo-kayod na mga konstraksyon worker at marami pang iba !
Ilan lang ang mga iyan na humubog sa aking pagkatao .. Pinakanatutuo tlaga ako sa aking mga naging mga Prof o Mentors at sa aking mga kaklase at mga kaibigan mismo .
Gusto kong simulan sa aking mga Guro ... Unang taon ko plang sinubok na tlaga ang aming kakayahan sa iba't-ibang klase ng prof na nagkaroon kme .
Meron kming prof na tlaga namang sobrang nagpasaya sa aming persyir . bket ? last period kc xa at hndi xa pumapasok .. ending ?? Eh-em !! hahaha ! malapit lang ang SM sta. Mesa sa PUP . isang sakay lang ng kumakalabog at dumadagundong na mga patok pa-cubao . hahaha ! Meron naman kameng kalog at fasyoniztang na prof sa English . tapos ung sa Sosyoloji na nagpa-akting samin para sa aming finals . Ganda ng role ko dun .. Isa akong Single Mom na may anak na naging lesbian dahil sa pangmomolestya ng kanyang amain .. basta ganun! Syempre winner din ang PE . haha! smash! serve! singles or doubles . yup ! badminton nga ang tinutukoy ko ^^ Tpos ung prof namin sa Algebra na mukang type ang aming president .. At tlaga namang nag-enjoy din ako sa Filipino subject namin kc daming activities :) nagkatrouble lang nung bigayan na ng grades para sa mga group works .. Pano ba naman , dami mong hirap at pagod tapos ssbhin hndi ka nagparticipate ? di ganun men! Pero the best tlaga ung prof namin sa Intro to Polscie :) dapat kc mgsshift na ko kc nwawalan ako ng gana sa klase ng sistema sa kursong polsay ang kaso may isang Prof na tlaga namang nagbigay sakin ng gana para iindulge ang aking sarili sa kursong pinasok ko .. di ko na xa papangalanan . basta ilan sa mga palayaw nya ay ang mga sumusunod: Happy feet, Jollibee, at Mazimbu ! bet ko ung Jollibee ^^
Pano .. sobrang jolly tlaga nya ! ggnahan ka tlagang magaral dahil sa humor nya at husay sa pagtuturo ang pagkakaalam ko pa eh Cum laude xa nung xa ay nagtapos . para rin xang bee kc sobrang sipag .. wlang palya sa pagtuturo kht kme nganga .. ganado pa rin xa magdiscuss xD
Nung second sem na kala ko peyiks lang ulit gaya nung una .. but I was wrong! (wuuuut ?!) aba! persyir plang eh pinagawa na agad kme ng thesis ?! pero baby lang .. baby thesis ^^ hehe ! anu pa nga ba ? group work ulit .. kanya knayang pasahan ng trabaho este share pla :)) Sino ba memorable sa kanila ? hmmm .. ah ! ung prof namin sa consti . dabes ! dami mgagaling men pero hambaba ng binigay at dahil blog ko to at kwento ko to magbibida-bidahan na naman ako . kasama ko sa mga binigyan ng mejo mababang marka .. tumataginting na 2.25 kht na maganda naman ang naging performance namin .. eh hndi pla magandang performance ang hanap .. magandang peslak pla . aba ! eh di sana nagpa-cute ako ng wagas !! pero di ako panget ok ?! klaro ? nakaupo lang ako likod kaya wall flower ang drama ako .
Masxado ng mahaba to kaya piling pili nalang ang mga iishare kong pfor anyway ggwa naman ako ng hiwalay na fearless revelation ng mga listahan ng prof ko at ano ang naging impact nila sa unbdergrad life ko eh ^^
Nung second year ako , may prof kme sa English na super bonded samen .. ksama ba naman magdota ng mga boys sa room eh !! haha ! bihira ung ganyang prof ah .. sabagay , bata pa kc xa kaya he know how it feels xD . Since Speech communication ang subject nya may time na pinapili nya kme ng speech na idideliver sa class at dapat lagyan ng sarili mong spice na parang sayo mismo ung speech . Marami sa mga kaklase ko piniling kumuha ng mga speech galing sa mga forenjers pero may iba gusto maging patriotic at pinili ung mga speech ng mga remarkable politicians gaya ni Ninoy at Cory saka ng iba pa . Mejo may pagkapatriotic din naman ung akin kc una speech ng isang Filipina ang pinili ko at di lang basta bastang Filipina ang tinutukoy ko ha ! I'm talking about
Ms. Patricia Evangelista , Pinili ko ang sobrang sikat nyang speech nyang
Blonde and Blue Eyes na nagbigay ng karangalan sa ating
bansa . In 2004, she represented the Philippines at the 2004 International Public Speaking Contest held in London, and was proud to bring home the championship for the country. Well ! ganyan ang mga idol ko :) ayun UNO ^^ isa pang activity namin sa kanya ung finals namin na nagshow kme sa church nila . The title was
"Joseph the Dreamer" . ganda tlaga ng kwento saka the best ung mga kanta .. Ano role ko ? Ako lang naman ang halipantas na si
Mae East na asawa ni Potiphar na gusto pang tumikim ng iba pang ulam at napili nya ay ang kare-kareng si Joseph ^^ May video kme nun eh kaya lang wala akong copy .. next time nlang ! hahaha !
Feeling ko may attraction tlaga saken ang English kc bet ko rin ung kalog naming prof nung second year , second sem eh betchina ko rin ^^ Oldies but goodies na xa pero energetic prn .. Feeling ko nga kung magiging prof ako eh xa ang kalalabasan ko pero maxadong mataas standard nya eh .. ung pinakamagaling samen 1.75 lang grade . Well , una plang naman cinabi na nya na pinakamataas na nya ang 2.0 so God-like ung bespren ko kc 1.75 xa eh ^^ 2.25 lang ako . Minsan distracted lang kme sa mga damit nya . hahaha ! Minsan kc may alkansyang nakadungaw (if yah know what i mean xD)
Umaabante na tau .. Third year .. things get tougher ! Pasaway sobra ung First subject namin sa Spanish . Yo soy Jocelle Dela Cruz y Guardian (I am Jocelle Dela Cruz) una kong natutunan ang ipakilala ang aking sarili gamit ang lenggwaheng Espanyol . Pero syempre alam ko na ung "Muy bien" , "Si" saka iba pa :) hahaha ! pasaway tlga kc nga taas ng standard saka ayaw magpacorrect ^^ hehehe :) pero magaling syang magturo no doubt ! nakakatuwa lang kc nung mejo marami ng kmeng expression na kayang sabihin sa Spanish knya-knya na ung mga kaklase ko sa pagpapatalbugan magpost sa Facebook ng Status in Spanish . Salamat sa
Google translator !
Bibitinin ko muna kayo ah .. may part II ito .. masyado kcng espesyal ung mga susunod kong babanggiting mga prof eh .. kaya dapat separate post sila saka pang-youngblood na to sa haba eh ^^
readmore »»