Showing posts with label Polytechnic University of the Philippines. Show all posts
Showing posts with label Polytechnic University of the Philippines. Show all posts

26 June 2012

Proud PUPian kba ?

.
0 comments




Tuwing sasapit ang October .. hindi magkandaugaga halos lahat ng high school grads sa pagaasikaso ng form para makakuha ng Entrance Exam Permit sa PUP . Eh bakit hinde ? Sobrang mura ng tuition fee dito ! Pro-filipino nga talagang matatawag . With 12/unit eh makakaraos kna ng isang semester na ang babayaran ay hndi aabot sa One thousand pesos (P1,000.00) ! Ayaw mong maniwala ?


Salamat sa Print Screen , oh eto pruweba .. Click mo nalang para lumaki ^^




Nung First year/ First sem 802 lang binayaran ko .. dapat nga mas mababa pa eh kaya lang kame ang napag-tripan lagyan ng SIS ek-ek na to kaya majo malaki pa yan pero di na masama diba ? Halos pang-Wensha Spa nyo nga lang ata yan eh ! Nung Second Sem naman mejo tumaas at pasensya naman kc ang sabi ko di aabot sa 1k di ba ? In every rule there is an exemption .. ito na nga un . parang ginawa kasi nilang mandatory na lahat magkaron ng PE Uniform kaya ang wais na Admin , nilagay na agad sa bayarin ni Isko/Iska kaya umabot tlaga sa 1,042 . Baka naman magreklamo kna nya ?! Mas mahal pa nga ata yang Class A mong imitation bag eh ! Tapos eto na yung breakdown ng iba para sa mga tamad na i-click ung image para lumaki :

2nd Year: 
700
700

3rd year:
599
619

4th year:
633
613

Isipin nyong mabuti , kahit kayo lang mismo kayang kaya nyo ng pagaralin mga sarili nyo eh . Lakas nyo makipag-date at mag-dota tapos pang-enroll wala kayo ! Di ganon men !

Wag nyo na pansinin ung nasa pinaka-baba .. kautangan ko yan . ang laki noh ? Tentawsanporhandredpiptin (P10,415) ! Para yan sa College of Law . Waley peypey kaya half muna binayaran ko , gusto mo ikaw na magbayad nung kulang (de , joke lang) saka bka mamaya mauntog ako bigla at matauhan na ayoko na palang ituloy kahibangan ko sayang naman ung ipambabayad ko ng buo di ba ? Pero malayo pa yun sa isip ko , nagsisimula pa nga lang eh . Hndi pa nga ako nakakapag-all pink sa moot court tapos ayaw na agad ?! Nga pla , kung gusto nyong sumubaybay sa Drama ni Corona este sa isa ko pa palang blog tungkol sa aking No holds barged na pang-iinvade sa PUP College of Law at sa kung ano-anong kaeekekan na gawain ng isang Extremely Hot Law Student Chic eh halika at pasukin natin ang mundo ng "The Legally Blunt"


Hindi yan EK (Enchanted Kingdom) ha ! Eskwelahan namin yan ! Astigin di ba ? May chuvang mapa pang nalalaman .. Ktnx !



Ito yung logo ng College of Economic, Finance and Politics kung saan nakapaloob ang Department of Political Science and Public Administration kung saan myembro ang Political Science Society na kinabibilangan ko ^^ anu daw ?!



At chanan ! confetti! confetti! confetti! Ang pinagmamalaki kong logo ung PUP College of Law , please me kung maxadong feelingera ang peg ko . hndi kc lahat nbbgyan ng pagkakataong magaral sa npaka-murang halaga.  At OO ! kht persyir plang ako sa mundo ng College of Law , masasabi kong milestone na ito sa aking career ?! What the ?! Anong career ?! Ah basta .. SOON :)


Welcome nga pla sa mga kapwa ko Iskolar ng Bayan !




At sa mga malalakas ang loob jan na gustong pumasok sa mundong ginalawan ko .. ito lang ang masasabi ko:


galing kay Kuya Franz ng "The Franz and the Furious" ang banner na yan

readmore »»

15 May 2012

Grad-Waiting No More !

.
0 comments


Sobrang haba ng pila , sobrang init .. daming hassle ! Pero nung nagkita-kita na kming magkakaklase nawala lahat ng yun at napalitan ng sobrang excitement !












we're bringing sexy back !


wag kna umiyak :'(



kunyare sweet kme ^^ hahahaha !


happy mother's day ma !

















Protected by Copyscape Online Plagiarism Detection

readmore »»

10 May 2012

The long wait is finally over ! Hats off B*tch*s !

.
0 comments

that's right!
tapos na po ang npakatagal na paghhintay ng mga PUPian graduates batch 2012 !!
Bukas, May 11 na po ang aming pagtatapos :)
hihihihihi !
di ko alam kung nostalgic ba ako kc bgla akong npapangiti habang nagttype ngayon ..
hndi ako nbabaliw ok ?!
para lang pero hndi pa tlaga .. mejo malapit lapit na ^^ hahaha !
niweiz , un nga reminiscing ang drama ko ngaun ,
bnabalik-blikan ko ung araw na una akong tumuntong ngt PUP .
parang engot lang . sobrang mangha sa obelisk na araw-araw bumubungad sa akin tuwing papasok ako sa aking sintang paaralan . para bang napakatayog at npakayabang ng bitwing matatanaw sa tuktok nito ..
waring nagsasabi na sobrang palad ko at ako'y npabilang sa ilang biniyayaan ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral sa isang isteyt U .

Sobrang sarap lang isipin na magtatapos na ko makalipas ng napakaraming sakripisyo na talaga namang nagpatatag sa aking pagkatao ..
Sobrang dami kong natutunan sa pamamalagi ko sa PUP . well , di ko pa naman lilisanin ang lugar na iyon dahil dun ko muli bubuuin ang isa ko pang pangarap na pangarap din para sakin ni Mama .. 
ang maging ganap ng ABOGAGA .. ay ABOGADA pala :) mais !
Sabi nga ng marami , hndi ka lang matuto sa apat na sulok ng klasrum na araw-araw mong pinapasukan . bagkus , may marami ka pang matututunan sa labas ng paaralan .

Sa PUP hndi mo na kailangan pang lumabas . Sa loob pa lang makakasalamuha mo na ang maraming tao na may iba-ibang pagkatao .. pawat isa yunik . may mayayaman , mga papabols (wala pang pumasa standard ko eh . chos !) magaganda (kung saan ako nabibilang) , makakapal mukha (ako founder . haha!) , mga geek , debaters , aktibista at higit sa lahat mga ordinaryong Pilipino na tlaga namang mabibilib ka pag nalaman mo ang pinanggalingan . May mga anak ng mga magigiting na OFW , masisipag na magsasaka , marangal na mga naglalabada , kaagay na mga kasambahay at mga todo-kayod na mga konstraksyon worker at marami pang iba !

Ilan lang ang mga iyan na humubog sa aking pagkatao .. Pinakanatutuo tlaga ako sa aking mga naging mga Prof o Mentors at sa aking mga kaklase at mga kaibigan mismo .

Gusto kong simulan sa aking mga Guro ... Unang taon ko plang sinubok na tlaga ang aming kakayahan sa iba't-ibang klase ng prof na nagkaroon kme .
Meron kming prof na tlaga namang sobrang nagpasaya sa aming persyir . bket ? last period kc xa at hndi xa pumapasok .. ending ?? Eh-em !! hahaha ! malapit lang ang SM sta. Mesa sa PUP . isang sakay lang ng kumakalabog at dumadagundong na mga patok pa-cubao . hahaha ! Meron naman kameng kalog at fasyoniztang na prof sa English . tapos ung sa Sosyoloji na nagpa-akting samin para sa aming finals . Ganda ng role ko dun .. Isa akong Single Mom na may anak na naging lesbian dahil sa pangmomolestya ng kanyang amain .. basta ganun! Syempre winner din ang PE . haha! smash! serve! singles or doubles . yup ! badminton nga ang tinutukoy ko ^^ Tpos ung prof namin sa Algebra na mukang type ang aming president .. At tlaga namang nag-enjoy din ako sa Filipino subject namin kc daming activities :) nagkatrouble lang nung bigayan na ng grades para sa mga group works .. Pano ba naman , dami mong hirap at pagod tapos ssbhin hndi ka nagparticipate ? di ganun men! Pero the best tlaga ung prof namin sa Intro to Polscie :) dapat kc mgsshift na ko kc nwawalan ako ng gana sa klase ng sistema sa kursong polsay ang kaso may isang Prof na tlaga namang nagbigay sakin ng gana para iindulge ang aking sarili sa kursong pinasok ko .. di ko na xa papangalanan . basta ilan sa mga palayaw nya ay ang mga sumusunod: Happy feet, Jollibee, at Mazimbu ! bet ko ung Jollibee ^^
Pano .. sobrang jolly tlaga nya ! ggnahan ka tlagang magaral dahil sa humor nya at husay sa pagtuturo ang pagkakaalam ko pa eh Cum laude xa nung xa ay nagtapos . para rin xang bee kc sobrang sipag .. wlang palya sa pagtuturo kht kme nganga .. ganado pa rin xa magdiscuss xD

Nung second sem na kala ko peyiks lang ulit gaya nung una .. but I was wrong! (wuuuut ?!) aba! persyir plang eh pinagawa na agad kme ng thesis ?! pero baby lang .. baby thesis ^^ hehe ! anu pa nga ba ? group work ulit .. kanya knayang pasahan ng trabaho este share pla :)) Sino ba memorable sa kanila ? hmmm .. ah ! ung prof namin sa consti . dabes ! dami mgagaling men pero hambaba ng binigay at dahil blog ko to at kwento ko to magbibida-bidahan na naman ako . kasama ko sa mga binigyan ng mejo mababang marka .. tumataginting na 2.25 kht na maganda naman ang naging performance namin .. eh hndi pla magandang performance ang hanap .. magandang peslak pla . aba ! eh di sana nagpa-cute ako ng wagas !! pero di ako panget ok ?! klaro ? nakaupo lang ako likod kaya wall flower ang drama ako .

Masxado ng mahaba to kaya piling pili nalang ang mga iishare kong pfor anyway ggwa naman ako ng hiwalay na fearless revelation ng mga listahan ng prof ko at ano ang naging impact nila sa unbdergrad life ko eh ^^

Nung second year ako , may prof kme sa English na super bonded samen .. ksama ba naman magdota ng mga boys sa room eh !! haha ! bihira ung ganyang prof ah .. sabagay , bata pa kc xa kaya he know how it feels xD . Since Speech communication ang subject nya may time na pinapili nya kme ng speech na idideliver sa class at dapat lagyan ng sarili mong spice na parang sayo mismo ung speech . Marami sa mga kaklase ko piniling kumuha ng mga speech galing sa mga forenjers pero may iba gusto maging patriotic at pinili ung mga speech ng mga remarkable politicians gaya ni Ninoy at Cory saka ng iba pa . Mejo may pagkapatriotic din naman ung akin kc una speech ng isang Filipina ang pinili ko at di lang basta bastang Filipina ang tinutukoy ko ha ! I'm talking about Ms. Patricia Evangelista , Pinili ko ang sobrang sikat nyang speech nyang Blonde and Blue Eyes na nagbigay ng karangalan sa ating
bansa . In 2004,  she represented the Philippines at the 2004 International Public Speaking Contest held in London, and was proud to bring home the championship for the country. Well ! ganyan ang mga idol ko :) ayun UNO ^^ isa pang activity namin sa kanya ung finals namin na nagshow kme sa church nila . The title was "Joseph the Dreamer" . ganda tlaga ng kwento saka the best ung mga kanta .. Ano role ko ? Ako lang naman ang halipantas na si Mae East  na asawa ni Potiphar na gusto pang tumikim ng iba pang ulam at napili nya ay ang kare-kareng si Joseph ^^ May video kme nun eh kaya lang wala akong copy .. next time nlang ! hahaha ! 

Feeling ko may attraction tlaga saken ang English kc bet ko rin ung kalog naming prof nung second year , second sem eh betchina ko rin ^^ Oldies but goodies na xa pero energetic prn .. Feeling ko nga kung magiging prof ako eh xa ang kalalabasan ko pero maxadong mataas standard nya eh .. ung pinakamagaling samen 1.75 lang grade . Well , una plang naman cinabi na nya na pinakamataas na nya ang 2.0 so God-like ung bespren ko kc 1.75 xa eh ^^ 2.25 lang ako . Minsan distracted lang kme sa mga damit nya . hahaha ! Minsan kc may alkansyang nakadungaw (if yah know what i mean xD) 

Umaabante na tau .. Third year .. things get tougher ! Pasaway sobra ung First subject namin sa Spanish . Yo soy Jocelle Dela Cruz y Guardian (I am Jocelle Dela Cruz) una kong natutunan ang ipakilala ang aking sarili gamit ang lenggwaheng Espanyol . Pero syempre alam ko na ung "Muy bien" , "Si" saka iba pa :) hahaha ! pasaway tlga kc nga taas ng standard saka ayaw magpacorrect ^^ hehehe :) pero magaling syang magturo no doubt ! nakakatuwa lang kc nung mejo marami ng kmeng expression na kayang sabihin sa Spanish knya-knya na ung mga kaklase ko sa pagpapatalbugan magpost sa Facebook ng Status in Spanish . Salamat sa Google translator !

Bibitinin ko muna kayo ah .. may part II ito .. masyado kcng espesyal ung mga susunod kong babanggiting mga prof eh .. kaya dapat separate post sila saka pang-youngblood na to sa haba eh ^^

Protected by Copyscape Online Plagiarism Detection 

readmore »»

09 March 2012

Mabuhay! Mga Iskolar ng Bayan!!!

.
0 comments





Protected by Copyscape Online Plagiarism Detection

readmore »»

17 February 2012

Lakbay-Aral sa Sintang Paaralang PUP

.
0 comments

Gaano man kaliit o kalaki ang ekwelahang papasukan mo, talagang mangangapa ka sa umpisa. At sa mga mata ng nauna na sa'yo doon, alam nilang bago ka. Pwedeng dahil sa damit na suot mo, sa kilos mo, sa mga dala mo, kung saan ka nakatambay o sadyang alam lang nila kasi napandaanan na nila iyon.

Pamantasang inaabot ng Umaga ang Pila - hindi na ata mahihiwalay ang mga salitang iyan sa Polytechnic University of the Philippines. Mula sa pag-aasikaso sa enrollment, hanggang sa maka-graduate ka, yan ang dadanasin mo. Iyan ang unang itatanim mo sa utak mo kung gusto mong mag-aral sa PUP. Huwag ka nang magugulat kung ang pila para lang magbayad ng tuition fee ay aabot hanggang 5th floor. Sadyang ganoon kadami ang mga estudyante na nag-aaral dito, mantakin mong sa kursong tinapos ko, ang populasyon namin ay pwede nang bumuo ng isang Pamantasan. Pero kung talagang dadaanin sa tyaga, matatapos mo yan ng isang araw. At siguraduhin mong ang pinipilahan mo ang tamang pila.

Lipana na din ang mga mag-aaral na dinadaan sa daya ang pila, kaya alerto ka din, wag ka papalamang.
  • Merong pipila dyan na isa o dalawang tao at kapag malapit na sa cashier, magdadatingan na ang buong klase nila.
  • May dadaang kakilala iyong nakapila at biglang magkakakwentuhan sila, hanggang sa malaman mong sumisingit na pala sa pila ung isa.
  • May makikiusap sa'yo na pasingitin ang kaibigan nila, ikaw pa ang tatarayan.
  • Bobolahin kang kailangan nilang mauna dahil sa mga rasong ikaw na humusga kung kapani-paniwala.
Pananamit. Simple lang manamit ang mga estudyante dito. Kaya kapag first year ka, halatang halata lalo kung pa-impress ka. Pwedeng magtsinelas, mag-shorts, magsando, long sleeves, pantalon, t-shirt, palda o kung ano pang gustuhin mo. Pero ikaw, ano ba dapat at tamang suotin kapag pumapasok? ☺ Wag lang OA.

Kung walang tyaga, walang nilaga. Bawal ang tamad. Bawal ang late. Bawal ang petics. Bawal ang pasaway. Bawal ang magreklamo sa professor. Bawal sumali sa mga organizations sa school. Bawal ang hindi seryoso. - Bawal daw, pero hindi kumpleto ang Kolehiyo kung wala yang mga yan. Pero nasa iyo kung saan ka magpapadala sa mga gagawin at pipiliin mo.

Organizations. Kakapasok mo pa lang ng gate sa Mabini Campus, sasalubungin ka na ng iba't ibang org. member/s. Payo lang, maging mabusisi sa layunin ng mga samahang ito. Wag makuntento sa sinasabi lang sa'yo - magtanong ka, magmasid at kumalap ng impormasyon - huwag basta-basta mahihikayat sa nadidinig lang.

Tambayan. Hindi lahat ng lugar sa loob ng campus ay pwede mong tambayan. MAGBASA KA! Hindi naman delikado, pero mas magandang alam mo kung hanggang saan ka lang pwede. Mas okay nang alam mong hindi ka lumalaspas sa teritoryo ng iba. Dahil nagkalat ang mga organisasyon, nagkalat din ang mga pwesto nila.

Pylon. Hindi lapida ang makikita mo sa gate, mukha lang, pero hindi. Si Pylon yan - ang PUP marmol. At maniwala ka sa akin, buhay na marmol yan.

The Catalyst. Maging updated sa loob ng campus. Wag mahiyang kumuha ng dyaryong pinaghirapan ng kapwa mo Isko/Iska. Marami kang malalaman sa iilang pahinang yan.

Mabini Campus. Hindi kailangang kabisaduhin ang iba't ibang parte ng campus. Dahil sa paglipas ng ilang araw, malalaman mo na din yan ng kusa.


Ninoy Aquino Learning Resources Center. Yan ang ating Library. Pumasok ka para magkalaman. Kung gusto mo ng sample ng mga thesis, ito ang best place. Andito din ang Bulwagang Balagtas.

Amphitheatre. Tabi lang ito ng lagoon. May mga event na dito ginaganap.

Linear Park. Masisilayan mo ang Ilog Pasig doon. Sa likod ito ng Charlie Building.
Charlie Building. Andyan ang Guidance Office.
Chapel. Tapat ng North wing Odd numbers.
Admin. / Cashier. South Wing.

Wag mo ding palalampasin ang dumaan sa spiral/dome. Paborito naming doon dumaan lalo't hindi pa late.

Hindi lang sa College n'yo pwedeng magrent ng projector, meron din sa Coop.

Masarap tumambay sa 6th floor, North wing. Pero kapag maulan, best spot ang East wing lalo sa 4th floor.

Wag malito. North, East, West, South Wing lang ang direksiyon ng building sa Mabini Campus. At bawat wing, odd at even yan.

Kapag ang nasa Regi form mo TBA ang room, ibig sabihin non, maghanap na kayo ng room na forever vacant sa oras ng subject n'yong yon. Para hindi kayo maghahanapan tuwing dapat nagle-lesson na kayo. Marami sa 5th floor.

Ang Claro M. Rect Hall ay wala sa NALRC, nasa Main Building lang yon. 6th floor. South Wing.

Hindi lang sa Open field at Gym pwedeng mag-P.E., pwedeng sa CEA. (College of Engineering and Architecture). Kung hindi ka naman tamad, pwede mo nang lakarin 'yon galing Mabini Campus. Pag labas, kaliwa, diretso.

Maraming masasarap na kainan sa Teresa - ang kalyeng nilalakad mo mula court hanggang gate ng Unibersidad. Isa don ay ang Garden. Pero kung hanap mo masarap na siomai, sa Papus ka kumaen. Kung masarap na shake naman at lechong kawali, sa foodcourt ka pumunta. Kainan iyon bago ang V.Francisco Street. Winner ang mangga ni Manong na nakapwesto sa tapat ng water station. Babalik balikan mo naman ang lamig ng buko juice sa may kanto ng Teresa, pagkatapos mong kumaen ng yummy na isaw sa tabing pwesto nito. Pagkatawid mo ng riles, masarap naman ang sizzling na tinitinda doon, right side ng kalye. At ngayon, marami nang mga bagong bukas doon na patok talaga. Pero kung tinatamad kang lumabas, masasarap at abot-kaya ang bilihin sa North Wing. Sulit ang buy one take one burger ni Ga at fruit shake ni Ganda. Kilalanin niyo sila. Sa East Wing, bandang dulo, marami ding masasarap na ulam ang tinitinda doon.

Computer rental, xerox, calculator rental, scan, print, school supplies - pwede nang hindi ka na lumabas. Lahat nyan meron sa West Wing. Suki kami ni Ate May dyan.

Pisong tubig? Pwede yan sa ATM (Automated Tubig Machine).

Kada buwan, minsan linggo, mayroong nagdiriwang ng College Week. Kaya kung sino man ang may klase ng 8 ng umaga, wag na manibago sa ingay ng mga estudyante. Bawi ka na lang sa Week ninyo. Posibleng isang linggong walang pasok, puro activities lang. Sumali kayo. Kung hindi naman, suportahan mo ang mga kaklase mong sasali. Parang bestfriend ko, taga nood at taga-tili. HAHAHA.


Alam mo ba kung saan ang
PUP Annex? Sa SM Sta. Mesa. Kaya masanay kang sumakay ng patok. Ang mga jeep na sasabog sa lakas ng volume sa pagpapatugtog at parang walang bukas kung magmaneho ang mga tsuper. Bawal ang sabit, titilapon ka. Lalo ang byaheng Stop n Shop - Cubao. Bawal din magkwentuhan, hindi kayo magkakarinigan. :p

Isa sa mga nagpakumpleto ng pagiging batang Teresa ko ay ang pagsakay sa trolley. Yan ang sasakyan papuntang Pandacan. Imagine kung may kasalubong kang tren tapos nataong nasa bandang ilog ang trolley. Ang saya..

Wag kang mabibigla sa mga nakapaskil na paghihimutok ng ibang estudyante. Normal lang yan. Freedom Wall ang buong dingding ng building. LOL. Mayroong pang Black Friday o Walk-out Day. Ikaw ang bahala kung sasama ka o hindi. Masanay ka na din sa mga nagra-rally na umiikot muna sa bawat Wing ng building. Bandwagon. Wag mo silang huhusgahan, may malalim silang dahilan. At may mga dahilan din silang talagang pinag-aralan. Respeto lang.

Videoke. Kung ayaw n'yo nang lumayo, meron lang sa Teresa. V.Francisco Street, kanang side kung galing kang PUP. :) Meron din naman sa Pureza, sa may El Capitan.
Note: Wag matuksong mag-vandal doon, malalaman ng buong school na nag-session at nag-videoke kayo. :P

Wag nang tumambay sa 6th floor at lagoon kapag gabi na. Baka makasaksi ka ng live show. o.O Tsaka madaming lamok, baka magka-dengue ka!

Pylon Run. Tuwing October yan. May tumatakbong nakahubad (Parang sa UP). At sa apat na October ko sa PUP, hindi ako nakanood. HAHA! Sayang.

Kung 7am ang unang klase mo at sa 6th floor ka, goodluck! ☺ Mawawalan ka ng glamour sa pagpanhik. Wag mo nang tangkaing mag-elevator! Exercise! :)

Kung may add subject/s ka, asikasuhin agad ang ACE Form. Bawal ang mabagal, baka maubusan ng slot.

Aircon-tinous ang PUP. Kaya magdala kang pamaypay. Presko kung sa West Wing ang klase mo.

Ferry. May station ng ferry sa PUP.

Marami ng bago ngayon sa Sintang Paaralan, may Great Wall na na hindi na namin naabutan. Oo, mas maganda na ngayon, in short. Pero sa mga bagong salta, pare-parehas lang naman ang pinagdadaanan. Wish ko lang, maging Professor n'yo sa ObliCon si Atty.Melchor, si Sir Sebastian sa History at Lit., si Sir Gutierrez sa Logic at ang mga iba pang magagaling sa larangan ng pagtuturo. ☺☺☺ At wag n'yo akong isusumpa pagkatapos.

Pamantasang Utak ang Puhunan.

Pataasan ng Utak Pababaab ng tuition!

Iskolar ng Bayan!





readmore »»