12 December 2012

Pangarap lang kita... TALAGA?

.


Sa totoo lang ang hirap tlagang maging babae eh! Kasi kapag ikaw may gusto sa lalaki, hindi pwede yung all of a sudden bigla mo nlang sasabihin na "Uy! Crush kita, gusto mo tayo na?" *AWKWARD* di magandang tignan. Minsan mapagkakamalan ka pang b*tch o kaya napaka-easy-to-get na babae. BEEN THERE. DONE THAT. Yes to the Y-E-S! May crush ako nung 2nd year high school ako. Hndi ako nahihiyang aminin, nag-confess ako sa crush ko nun na si Rey Franz. Wala ng tago-tago pa ng pangalan. Madami naman nkakaalam eh. After all, we all have fair shares of embarrassing moments in our lives di ba? Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko nun kung bakit ako dumating sa point na yun. Siguro nachallenge? Wala pa kc nagiging GF yung ungas na yun eh so, inisip ko siguro masayang maging first girlfriend nito kc mabait naman tlaga xa. Sobrang humorous at gentleman. Uulitin ko ha, hndi ko to kinakahiya pero pinagsisisihan ko.
OK. Busted eh! Gwapo ng mokong na yun ah! I mean, di daw ako yung tipo nyang babae eh. Maingay kasi ako saka baliw. Alam nyo yan! Natatawa tlaga ko kapag naaalala ko yun. Hahaha! Dun ko natutunan na masaya maging totoo sa nararamdaman mo kc kht masakit na hndi nya din ako gusto atleast lumuwag yung paghinga ko dahil sa nararamdaman ko sknya. Ang drawbacks lang... yun nga, pano mo matatanggap na hindi ka nya gusto di ba? masakit sobra! Kaya mula nung nangyari yun, sinabi ko sa sarili ko na kahit kelan hnding hndi ko na uulitin yun kht pa gsto ko ang isang lalaki.

Palabiro ako, kapag biniro ako na bagay ako sa isang guy at tlagang namang wala akong feelings towards that person, kaya ko pang makipag-biruan at sakyan yung mga asaran pero kapag may gusto tlaga ko sa lalaki, natatameme ako. Natotorete. in short, NGANGA!

Baliktarin naman naten yung kwento, pano kung si lalaki naman yung TORPE? NGANGA din?? 
Kakanta ka nlang ng Deadma ng Rocksteddy? Wala tlagang mangyayari nyan!
Pero pano naman kung sinabi na sayo ng lalaking gusto mo na gusto ka rin nyan pero hanggang gusto ka lang nya kasi masyadong mataas ang tingin nya sayo? Ito yung mahirap kapag woman with a very strong personality ka eh. Masyadong naiilang yung mga lalaki sayo. Natatakot at nagiging inferior and tingin sa sarili. Ang ending, nawawalan ng lakas ng loob na ipaglaban yung nararamdaman nila for you. 

Ikkwento ko na yung sariling experience ko...
Alam nyo naman na single na ko di ba? Hindi pa ba?
Basahin mo nlang yung kwento dito.
At dahil single na nga, naglipana na naman ang mga alagad ni Mang Jose na alagad ng kadiliman. LOL. May ibang wagas makapagparamdam, yung iba naman pahapyaw lang. May mga ex na gustong bumalik at may isang tlagang nakakuha ng atensyon ko. Sabihin nlang natin na ang code name nya ay Daniel Padilla. WAGAS! Gwapo syempre, di ko nman yun mpapansin kung pipichugin lang eh.
Simpleng tao lang sya. May trabaho. Vocational man, may natapos pa rin. Family man kc he cared a lot for his mom. Independent. At INC. Hindi incomplete ah! Iglesia ni Cristo. Kaya siguro ang lalalim ng mga pinanggagalingan ng mga pananalita nya. Pinapangaralan pa nga ako eh. "YENG" lagi nyang tawag sakin. Pareho kc kme ng buhok ni Yeng nung maiksi pa buhok nya. Gusto daw ako ni DJ. Yun ang sabi nya. ang hirap naman na kc maniwala sa mga lalaki ngayon eh. In fairness lang sa kanya, tlaga naman nag-eeffort sya makasama lang ako. Nung una ko sya nkasama naghintay sya ng npakatagal sa San Beda kc pinuntahan ko bespren ko dun. Tpos nagpunta sya ng SM Sta. Mesa para lang samahan ako. At lagi nya akong hinahatid sa bahay kapag ginagabi ako ng uwi. May motor nga pala sya ^^ Na naman. 

Kapag tinitignan nya ko, lagi nyang kinakanta yung kanta ng Parokya na Pangarap lang kita. At ang paborito nyang part eh yung unang stanza... tpos inuulit uit nya ung line na to:

"Prinsesa ka.. ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita...
wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta..
Pangarap lang kita..."


Natatawa lang ako kc parang gusto kong ituloy yung kanta nya at sagutin sya ng second stanza:

"Ang hirap maging babae
Kung torpe iyong lalaki
Kahit may gusto ka...di mo masabi
Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari"

Ayoko naman sabihin sa kanya na, "Uy ano ka ba may pag-asa ka sakin" muntanga naman ako nun db? Hahayaan ko nalang hanggang lumakas na yung loob nya. Vocal naman sya na gusto nya ko eh pero hndi kc tlaga ako yung tipo na gusto mo ko, gusto kita, TAYO NA? di e. may pagka-old-fashioned din akong tao eh. Gusto ko naman mkita yung EFFORT di ba? Ayoko ng pang-good time lang. 

Sana naging simpleng babae nalang ako... Yung hindi masyadong mataas yung tingin ng mga tao. Powta! Pag sinabi kasi na law student ka, nababahag agad yung buntot eh, nauuwi ka tuloy sa kung sino nalang yung malakas ang loob. di bale, masarap namang isipin na isang tipo ka ng babaeng pinapangarap... hindi pinagpapantasyahan ha! Magkaiba yun.

Protected by Copyscape Online Plagiarism Detection

1 comment

Anonymous said...

i just sent you an email at legallyblunt@ymail :)

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n:

Post a Comment