27 April 2012

Loquacious Vixen's new look!

.
0 comments


Protected by Copyscape Online Plagiarism Detection

readmore »»

Spice up your life with Spice Girls

.
0 comments



Kapag pinag-usapan ang dekada nobenta, hindi pwedeng mawala sa listahan ang Spice Girls. Para sa mga hindi pamilyar sa kanila, ang Spice Girls ay isang British pop girl group na sumikat sa nasabing dekada. Kung merong boy band, meron ding girl band at sila ‘yon. Halos lahat ng mga awitin nila ay sumikat at tinangkilik ng madla, partikular na ng mga kabataan. Ilan sa mga ito ang Mama, Spice Up Your Life, Too Much, Stop, Viva Forever, at ang dalawa sa mga kanta nilang pinaka-sumikat: ang Wannabee (If you wanna be my lo-vah, you gotta get with my friends…) at ang 2 Become 1 (I need some love like I’ve never needed love before, wanna make love to yah, baby…). At marami pang iba.

Bukod sa kanilang chart-topping hits, nakilala rin ang Spice Girls dahil sa ilang bagay. Una na ang pagkakaroon nila ng kakaiba at nakakatuwang palayaw. Si Geri Halliwell ay ang kanilang leader na merong pulang buhok at kilala bilang si Ginger Spice. Si Emma Buntonay ang super cute, maputi at may blonde hair na si Baby Spice. Si Victoria Beckham ay ang prim and proper na si Posh Spice. Si Melanie Chisholm o Mel C ay ang palaban na si Sporty Spice. At si Melanie Brown o Mel B naman ay ang negrang kulot na si Scary Spice.


Isa rin sa trademark ng Spice Girls ay ang pagsusuot nila ng mga sapatos na halos dalawang palapag ang lapad ng takong, tulad ng mga suot nila sa larawan. Nauso rin ang ganitong fashion dito sa Pinas noong kasikatan nila, lalo na sa mga kababaihan.

Nawala lang siguro ang pagkahilig namin sa Spice Girls nang minsang matsismis na ilan daw sa myembro nito ay bading. Ang hula namin noon ay si Posh at Sporty Spice ang bading. (Kayo, ano’ng hula ninyo?) Pero katulad ng mga tsismis, hindi ito nabigyan ng linaw at hindi rin napatunayan.

Hindi pa rin napigil ang pagsikat ng Spice Girls kahit na ang ilan sa kanila ay nagsipag-asawa. Una nang lumagay sa tahimik si Ginger Spice na naging dahilan para tumiwalag siya sa grupo. Sa kabila nito, pinagpatuloy pa rin ng girl group na ito ang kanilang “pagpapa-anghang” sa music scene kahit apat na lamang sila. ‘Yun nga lang, hindi na sila kasing-popular noong dati.



Katulad nga ng ilang mang-aawit, hindi naglaon ay nawala sa sirkulasyon ang Spice Girls at naibaon na rin sa limot ang kanilang mga awitin, bagamat nagkaroon pa sila ng reunion at bagong album noong 2007 na may carrier single na Headlines (Friendship Never Ends) na halos hindi rin gumawa ng ingay sa music scene.

Nawala man ang dating charisma ng Spice Girls, hindi pa rin mabubura sa alaala ng dekada nobenta na minsan ay may isang girl group na nagbigay ng anghang sa musika ng buhay.

readmore »»

26 April 2012

Deactivate your stolen phone!

.
0 comments

Because of what happened to me yesterday, I decided to search about how to deactivate a stolen mobile phone. Loosing a mobile phone is not an uncommon thing for anyone in this world. You must have heard that your friend or any other person forget his or her phone in a hotel, car, garden, park. and when he or she goes to pick up phone, mobile phone was not there where he or she left it. Now what to do if your mobile phone is stolen.

In many countries like UK, there is mobile phonedatabase, which can prevent lost or stolen mobile phones from being used on any mobile network, thus these stolen mobile phones are worthless to anyone. This system exactly works like a stolen credit card, whenever you loose your credit card, you simply make a phone call to your requisite bank to deactivate your credit card. Similar is the case withmobile phones, you call your service provider and give them a specific number to deactivate your stolenmobile phone. This system applies to both prepay and postpaid packages.






Every mobile in this world has a unique code called as International mobile equipment identity (IMEI Number). This is a unique serial number of every mobile phone. If you provide this serial number to your network operator, they will deactivate your stolen mobile phone. No one can use your mobile phone even if the person who has stolen your mobile, insert new Sim in the mobile. This mobile will be useless for all networks or service providers. All mobile network operators will deactivate or disable the phone by reference to the unique IMEI number of the mobile phone

This number can normally be found under the battery ofmobile phone (looking something like 004400/01/123456/7). You can also get this number from the phone software, by entering following useful code. Simply write down on your mobile phonefollowing code. You can also get this number from the phone software, by entering following usefull code:


* # 0 6 #


A 15 digit code will appear on the screen after pressing send button, or in some phones it comes automatically just by writing above given code. This number is unique to your Handset. Write it down and keep it somewhere safe. Should your phone get stolen, you can phone your service provider and give them this code. They will then be able to block your handset so even if the thief changes the SIM card, your phone will be totally useless.




Remember your mobile phone is very valuable for you. You may have very important data stored in it. So take care of your mobile phones. Don't use yourmobile in crowded areas or where you might feel unsafe. Government is trying to encourage mobile phone companies to give more options for improving mobile phone security. 

You probably won't get your phone back, but at least you know that whoever stole it can't use/sell it either. If everybody does this, there would be no point in people stealing mobile phones



readmore »»

Sinong di masasarapan sa bagong Kopiko Kopiccino?

.
0 comments





Sa sobrang sarap, mapapa-things that make you go hmmm... ka tlaga!
Knowing na 8.00 PHP lang sya :))
hndi sya kgaya ng ibang instant coffee!
Meron kc xang bubbles effect chuchu na ang tawag ata eh "frothy"
ah basta pakiramdam ko fluffy xa ^^
But wait! there's more!
Meron xang free choco sprinkles na tingin ko eh milo lang naman
pero wapakels ako kc mas appealing xa dahil dun!

Tara kape tayo habang mainit pa to
at malamig dito sa opisina ..

Share your relaxing coffee experience ha :)

Hmm... (sip) parang caramel... YUMMY !
ay kalaban pala un ng kopiko xD

Note:
This is an unpaid advertisement

Protected by Copyscape Online Plagiarism Detection

readmore »»

25 April 2012

I had a terrifying experience today...

.
3 comments

As I mentioned in my profile, I'm an online English teacher to Koreans. I work every weekdays from 5 o'clock in the morning (oo, morning .. dawn!) to 2 o'clock in the afternoon (tirik naman araw). Having that schedule, it is required to wake up very early and when I say VERY EARLY that means 3 O'CLOCK IN THE MORNING!!!

Having that early schedule, I really have to get up early sayang din kc ung tumataginting na PERFECT ATTENDANCE INCENTIVE na ****.00PHP (hulaan mo) The only thing I am concern with is the my safety. Ofcourse sa ganyang mga oras lumalabas ang mga kaaway ni Mang Jose . Rapist, robber, snatcher, holdaper, lahat na ng may "er" sa dulo! Hindi ko alam na ngayong araw na to darating ang bagay na kinatatakutan ko :(( I was being robbed!

Tipikal na umaga lang sana to.. Gigising ako, maliligo, magaayos ng sarili, at papasok na sa trabaho. Hindi pla ganun ung mangyayari! As usual, nagaabang ako ng jip sa may Sta. Mesa malapit sa Santol tapos kagaya lang ng nakagawian uupo ako sa pinakamalapit na bakanteng espasyo. Sa bandang V. Mapa may sumakay sa lalaki na tlagang nkakairita!!! Dikit sya ng dikit parang ewan! Asog ng asog eh maluwag naman so, tinitigan ko sya ng masama! Bka kc chumachancing sya eh nka-short lang ako. Aba! chumachancing nga ! Hindi chancing na maka-hipo kundi chancing para makapagnakaw!!

Nung paliko na kme sa V. Mapa kung saan maraming nagaganap at nabubuo dahil sa mga nagkalat na love nest o madaling sabi eh motel, may sumakay na lalaki na hindi ko naman tlaga pinansin. Kaya lang nung tumabi sya sakin, tlagang kumulo dugo ko! Kasi nga dikit sya ng dikit na talaga namang nakapapanginig ng laman! Tinamaan nya pa ko ng braso nya kc nagtatanggal ata sya ng jacket nya. Ayun nga, binigyan ko sya ng mala-cyclops na tingin at muntik pa ko mag-super saiyan. Ang hindi ko alam, humahanap lang pala sya ng tamang timing para mag-declare ng hold-up. May naramdaman akong pointed object sa tagiliran ko tapos bigla nlang syang bumulong saken "bigay mo na yang cellphone mo ska pera mo" at may gana pa kong sumagot ha! Sabi ko sa kanya habang maluha-luha "Kuya, maawa naman po kayo, graduating po ako" sumagot pa tlaga!! "Wag ka ng pumalag! Ibigay mo na!" so ayun... Goodbye cellphone and goodbye hard-earned money and goodbye PERFECT ATTENDANCE INCENTIVE :'( Ganito ba tlaga kpag graduating? Ganito ka-risky? Haaaaaaay...


Gusto ko man bumaba ng time na un sa jeep para magpa-blotter, di ko na ginawa. Una sa lahat, walang malapt na establishment sa paligid nung area. Pangalawa, bka taga-dun lang ung @*%#$ na yun at habulin pa ko eh di buwis-buhay pa! Lastly, wala na kong lakas pa para gumalaw after nung ngyari. Sobrang natulala lang ako at di makapaniwala na sa buong buhay ko mangyayari ung bagay na un. Kinilabutan ako kc naalala ko pa na tumingin pa ko ulit sa cp ko bago ngyari un eh. Saktong 4:47 ung nkalagay kc 25 minutes advance ung oras sa cp ko eh.

Kung irereport ko man ung nangyari, hndi ko alam kung pano ccmulan at kung mssolve ba to (di na ko umaasa) kc hndi ko tlaga mamukaan ung lalaki eh. Ang naaalala ko lang, maayos naman ung itsura nya, muka pa ngang matino kc malinis at nka-black pants sya at stripes na polo shirt pero ung klarong description? Wala... wala akong maalala.

Pagdating ko sa opisina nkatayo na ung mga TL sa biometrics, naghhntay ng mga late na sesermonan. Hindi ko na napigilang mag-breakdown at humagulgol na nga ako kay TL. Tae tlaga! 4:47 ako nkapag-in! Ano un inception? Sayang! 2 minutes lang eh... Oh well, wala clang consideration kaya wag na magmiasim! Wag lang sana mangyari ung ganito sa inyo! Hmp! GnG? Oh well, that's life! Makakarma din yang mga ganyang tao sa mundo at alam kong doble pa ung babalik sa'king biyaya :)

Kahit na sobrang nkakatakot ng ngyari sakin ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil hindi nya ako hinayaang masaktan. Pwede na siguro to pang-blotter! Detalyado eh!

readmore »»

24 April 2012

Dugong PolScie Ako !

.
0 comments






readmore »»

My Blogs .. blagag !

.
0 comments


iloveMAMCEE
Mamark (Palayaw ng Boyplen ko)
Jhaycee (Palayaw ko .. ayaw mo?)
MamCee (kaek-ekan ko lang)


Babala: Ang blog na ito ay hindi masyadong makeso ..
Kung inaakala mong lambuchingan ang laman nito ..
MALI KA !! (konte)
hahaha ! de joke lang ..
Kadalasang laman nyan mga helpful tips about relationships
tignan mo pa dito :)
Nagpromote pa tlaga ^^
basta maganda yan ..
kahit ano pang status mo ...
SINGLE
IN A RELATIOPNSHIP
IT'S COMPLICATED
SEPARATED
DIVORCED
WIDOW
ay teka FACEBOOK status na ito !!
basta punta ka jan ah .. tapos comment ka nrn :)


**********************************************





oo tama ka !!
iba pa name ng blog ko jan .. although parehong LOKA-LOKA
este Loquacious chuva ..
Diva yan dati kc anu pa nga ba !
Kantadora ang lola nyo ! pak !
pinalitan ko kc di naman puro kantahan nandito .. ni wala nga eh ..
Vixen .. vixen ??
FHM Vixen ba ire ?
hindi kadiri .. wala sa katawan ko yan !
hahahahaha !
Ah basta yan gusto ko eh ..
Ayaw mo ??
Gawa ka rin ng sayo .. hehehe :))

Nga pla , madami sa mga post ko dito
hndi tlaga galing sa malikot kong imahinasyon at kalawang kong utak ..
Kaya nga ang tagline eh "Anything that catches my attention"
eto ang hina gumets oh !
pero wag magalala !!
I HATE PLAGIARISM !!
kaya nga nka-credit o nka-tag ung mga pinagkukunan ko ..
saklap naman kung aangkinin din ng iba ung mga likhang-sining ko
(parang wala naman)

oh sya ..
dami ko abla !
ikaw naman basa ng basa ..
hehehe :)

Byers !


readmore »»

Introducing the Loquacious Vixen ...

.
0 comments


confetti! confetti! confetti!



eh auko magsuot ng eye/sunglasses ..
magsuot tlaga ? (damit ito ?)

oh eh bahala na kayo magdescribe ..
bka mamaya lagyan ko to ng description sabihin nyo pa nagbubuhat ako ng bangko esta buong bahay na ...
Bawal hater , bawal bitter , bawal insecure ..
Joke lang ..
Kala mo naman kagandahan .
Basta kau na bahala jan ..
ipapaubaya ko na yan sa inyo .. hahaha !!

readmore »»

Haters gonna HATE !

.
0 comments


So tell me, how do you like my Tinkerbell inspired dress ?


Emoterang Frog !!




readmore »»

B**bies ?? Is it necessary ?

.
0 comments





readmore »»

I do appreciate them... A LOT !

.
0 comments


nkaka-touch ..
ang lame ko naman !
perstaym ?
perstaym may magbasa ng blog mo ??
ganito ata tlaga kapag amateur blogger ka palang ..


anyway, may fan na ko !!
fan tlaga ?!
de joke lang ..
nagiisa na nga lang baka mwala pa .
hahahaha !
masaya ako kapag nkakakita ng mga comments sa blog ko ..
kasi nga hindi mo to mffollow kya comment nlang ^^
pede rin naman kung may google account ka :))
be a member kumbaga ..

Uyyy...
sa susunod na mapapadaan ka , comment ka ah ^^
thanks :)

readmore »»

20 April 2012

Tayo na sa SINESKWELA :)

.
1 comments


Tuwang tuwa ako kapag alas dose ng tanghali ang pasok ko noong nasa elementarya ako. Ang dami ko kasing nagagawa sa umaga. Ang lungkot naman kasi kung pang-umaga ang klase mo. Pagmulat ng mata mo, bangon agad, ligo, breakfast, bihis, at diretso na sa eskwela. Wala nang oras para maglibang muna at mag-charge ng enerhiya na kailangan sa buong araw sa eskwelahan.
Samantalang kapag pang-hapon ako, nakakapunta pa ako sa bahay ng lola ko, nakakapagbasa pa ako ng Liwayway Gawgaw at Funny Komiks, nakakapagdrowing pa ako ng nobelang komiks ko, at s’yempre, nakakapanood pa ako ng telebisyon, partikular na ang mga kilalang morning shows sa ABS CBN noong dekada nobenta tulad ng Tagalized cartoons, “Bananas In Pyjamas”, “ATBP (Awit, Titik, at Bilang na Pambata)”, at iba’t ibang educational shows (Minsan pati ‘yung programang “Gym Team” eh napapanood ko. Ito ‘yung exercise show dati sa channel 2 tuwing alas-siyete ng umaga). Ilan lang ‘yan sa napakaraming perks sa pagiging pang-hapon ang pasok sa eskwela.
Isinilang sa telebisyon ang mga programang “Batibot”, “Sesame Street”, at “ATBP” upang magkaroon ng pagkakataon na matuto ang mga bata kahit nasa bahay lang sila. Kaso, puro A-B-C, 1-2-3, at pagbabasa lang ang tinuturo sa mga programang ‘yan bukod pa sa mga kagandahang asal. Kumbaga sa eskwelahan mismo eh para bang English at Filipino lang ang subject na pinag-aaralan ng mga bata habang nanonood ng mga ganyang programa.
Ito marahil ang dahilan kung bakit noong kalagitnaan ng dekada nobenta ay naisipan ngABS CBN, Department of Science & Technology (DOST) at Department of Education (DepEd) na bumuo ng isang educational program na tumatalakay sa paksang malaki ang papel sa buhay ng bawat isa sa atin, ang agham at teknolohiya o science and technology. Simple lang ang layunin ng programa: Ang mabigyan ng pagkakataon ang mga bata na mag-aral kahit nakatutok sa telebisyon. Dahil sa paglalaru-laro ng mga salita, pinagsama ang panonood sa cinema o ang ‘sine’ at ang lugar na pinupuntahan ng mga estudyante, ang ‘eskwela’, at dito nabuo ang titulo ng programa – Sineskwela. Mabuhay!
Sa aking opinyon, ang logo ng Sineskwela na yata ang isa sa may pinaka-creative na logo ng isang programa. Mantakin mo, sino ba naman ang magkaka-ideya na gawing letra ang iba’t ibang mga kagamitan sa paligid? Dahil sa napaka-imaginative ng mga tao sa likod ngSineskwela, nagawa nilang maging letter S ang rolyo ng film, letter I ang kulay pulang crayon (lapis sa lumang version ng logo), letter E ang isang machine gear, isa pang letter S ang font na parang sa calculator, letter W ang isang kidlat o boltahe, isa pang letter E ang character na mala-Pac Man (hindi ‘yung boksingero, you know), letter L ang isang L-shaped ruler, at letter A ang isang maliit na telebisyon.
Ang simpleng mga paksa sa larangan ng siyensiya ay lalo pang naging mas masaya nang bumuo ang Sineskwela ng mga tauhan o characters na makakahatak sa mga batang manonood. Dito isinilang si Frederico Gonzales na gumanap bilang si Bok na akala namin ngayon eh si John Lloyd Cruz dahil magkahawig sila, si <*hindi ko alam kung sino*> bilang si Ugatpuno, ang punongkahoy na mukhang bakla, si Sheena Ramos bilang si Palikpik, siMaan Munsayac bilang si Kulitsap, si Brenan Espartinez na singer na ngayon bilang siAgatom, at si Tintin Bersola na mabuting maybahay na ni Julius Babao ngayon at gumanap bilang si Anatom. Meron pa nga silang chant noon, ‘yun bang sisigaw sila ng “Siyensiya! Siyensiya! Tuklasin ang hiwaga sa siyensiya!!!” (with matching pa-korteng S ng mga kamay tulad ng nasa larawan). At hindi ba’t may theme song pa ang grupong ‘yan?

“Narito na kami, Bok ang ngalan ko! Ugatpuno ako. Anatom, Agatom, makulit-Kulitsap,Palikpik naman ako!” (hindi ko na alam ang kasunod)
Ang mga tauhang ito ay may kanya-kanyang fields of expertise ika nga. Si Ugatpuno ay eksperto pagdating sa kabaklaan. Joke lang. Eksperto s’ya sa mga usapang pang-kapaligiran. Si Palikpik naman ay may kinalaman sa mga nilalang sa dagat. Reyna naman ng mga insekto at kulisap si Kulitsap na para bang korteng Iced Gem Biscuit ang ulo. Pinaka-cool sina Agatom at Anatom dahil sila lamang ang tanging nakakapasok sa loob ng kung anu-anong mga bagay at nilalang tulad ng katawan ng tao, mga hayop, halaman, at iba pa. Basta’t may nakita kang pink at green na parang Christmas light na kumukutitap, sila na ‘yun at nag-uumpisa na ang kanilang paglalakbay bilang mga dambuhalang atoms na may masisikip na costume.
Naitanong n’yo siguro kung saan eksperto si Bok? Wala lang, s’ya kasi ‘yung leader ng team na taga-utos sa kung sino ang mapag-tripan n’ya. Sa madaling salita, nagpapalaki lang s’ya ng itlog. Sarap yata’ng maging leader, hindi ba?
Madami pang cast ang Sineskwela bukod sa mga nabanggit ko. Meron pa silang Teacher Waki na hindi ko na maalala kung sino. Pero sa lahat ng naging cast nito, pinaka-popular na yatang ‘adult’ sa Sineskwela ay si Jon Santos. Kasama ni Jon Santos sina Winnie Cordero,Giselle Sanchez, at Panjee Gonzales (ng “Game Na Game Na!”). Sila ‘yung first batch ng mga nagsisilbing ‘teachers’ na nagtuturo sa “Sineskwela Kids” sa bawat episode ng programa.
Pagdating naman sa “Sineskwela Kids”, hindi ko na matandaan ‘yung first batch nila. Ayon sa mga nabasa ko sa internet, sina Antoinette Taus, Camille Prats, Patrick Garcia at Paula Peralejo daw ang nasa first batch. Ewan ko lang kung sila nga ‘yun.
Hindi ko makakalimutan ang programang ito dahil napanood ko ‘yung first episode nito (ganito yata ako, unforgettable para sa akin ang mga programang napapanood ko ang unang episode). Natatandaan ko, ang unang topic nila noon ay tungkol sa five senses. Sense of touch, sense of taste, sense of hearing, sense of smell, sense of sight. Hindi kasama ang sense of belonging at ang nonsense, okay?
Pero sa dami ng kanilang naging episodes, dalawa lamang ang pinaka-paborito ko. Una ay ‘yung nagpunta sila sa pagawaan ng Crayola. Pangalawa naman ay ‘yung pinakita nila kung paano ginagawa ang donuts sa Mister Donut. Pagkatapos kong panoorin ‘yung paggawa ng donuts, nagpagawa ako sa kasambahay namin dati ng home made donuts. Kaso, nakalimutan n’yang lagyan ng pampaalsa ‘yung donuts n’ya. Nagmukhang biskwit tuloy ‘yung donuts. Bwichet na ‘yan!
Sa bawat pagtatapos naman ng lessons at episodes nila, asahan mong may kantahan portion ‘yan. Madalas nilang ginagawang kanta ‘yung mga tinuturo nila. Halimbawa, tungkol sa human body parts ang topic sa araw na ‘yon, kakanta sila sa dulo ng “Sampung mga daliri, kamay at paa…” (at bakit ako nagpaliwanag?). At si Jon Santos lagi ang singer nila. ‘Yung ibang cast eh chumuchu-wariwariwap lang. S’ya nga pala, tunay na lalake pa si Jon Santos noong Sineskwela days, bagamat napapansin naming may kaunting pagkulot na ang kanyang boses noon.
Kung merong unforgettable episode, s’yempre meron din akong unforgettable song ni Jon Santos. Tungkol kasi sa ‘water cycle’ ang lesson of the day. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon eh natatandaan ko pa ‘yung tono nito. Basta’t ganito lang ‘yung lyrics: Lahat ng term na may kinalaman sa ‘water cycle’ na nagtatapos sa ‘-ion’ eh iniisa-isa ni Jon Santos – evaporation, condensation, precipitation, infiltration, sedimentation, sublimation, transpiration, flocculation, coagulation, carnation (biro lang), at iba pa. Paulit-ulit lang ‘yon. Wala lang, naalala ko lang naman. (Dami ko talagang naaalala ‘no? Pasens’ya naman. Sharp memory kuno eh. Galit ka?)
(Ang haba na pala ng kuwento ko. Pero hihirit pa ako. Huwag ka nang magreklamo, minsan lang naman ‘to eh. K)
Pinapanood din ng nakababata kong kapatid ang Sineskwela noon kahit hindi pa s’ya nag-aaral. Lalo kaming natutuwa kapag nakikisabay kami sa theme song. Naaalala ko, vinediohan pa kami ni inay noon habang kumakanta ng Sineskwela theme song with matching action pa! Nakatago pa dito ‘yung VHS tape namin ng moment na ‘yon. Noong panahong ‘yon eh makapal pa ang mukha kong kumanta sa harap ng madaming tao. Mantakin n’yo, may solo number pa ako noon ng Sineskwela theme song sa isang pagtitipon ng nanay ko! Aliw na aliw din kami sa solo number ng kapatid ko dahil utal-utal ‘yung lyrics: “…sa science o agal… …Kaya’t habang maaga, mag-aral ng pasens’ya, sa tekyoyoya ang buhay ay gagan-daaa… HAAAAAH!!!” (Pasigaw talaga, nakakatawa! Sayang at hindi na namin mapanood ‘yung VHS tape na ‘yon. Huhuhu. Memories. Memories…)
Ibang klase ang impact ng show na ito hindi lang sa akin kundi pati na sa lahat ng mga kabataan noong dekada nobenta. Ayon pa sa isang pagsusuri, nakatulong ang programa upang mas maintindihan ng mga kabataan ang mga bagay na hindi nila masyadong maintindihan patungkol sa science. Kaya naman rekumendado itong panoorin sa mga eskwelahan lalo na sa public schools. At noong taong 2003, ginawaran ng Youth Prize sa20th Television Science Programme Festival na ginanap sa France ang “Pasig River Episode” ng Sineskwela. Educational na, award winner pa. Sangkapah?!
Bilang pangwakas, inirerekumenda kong pakinggan n’yo sa link na ito ang theme song ng programang nakatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman ng mga bata sa agham at teknolohiya – ang Sineskwela! (Naglagay na din ako ng lyrics kaya’t maki-sing along na!)
“Bawat bata may tanong. Ba’t ganito, ba’t ganoon? Hayaang buksan ang isipan sa science o agham… Tayo na sa Sineskwela! Tuklasin natin ang siyensiya. Buksan ang pag-iisip, tayo’y likas na scientist. Tayo na sa Sineskwela! Tuklasin natin ang siyensiya. Kinabukasan ng ating bayan, siguradong makakamtan!
Bawat bata may tanong. Ba’t ganito, ba’t ganoon? Halina’t lumipad sa daigdig ng isipan… Tayo na sa Sineskwela! Tuklasin natin ang siyensiya. Buksan ang pag-iisip, tayo’y likas na scientist. Tayo na sa Sineskwela! Tuklasin natin ang siyensiya. Kinabukasan ng ating bayan, siguradong makakamtan!
Kaya’t habang maaga, mag-aral ng siyensiya. Sa teknolohiya ang buhay ay gaganda… Tayo na sa Sineskwela! Tuklasin natin ang siyensiya. Buksan ang pag-iisip, tayo’y likas na scientist. Tayo na sa Sineskwela! Tuklasin natin ang siyensiya. Kinabukasan ng ating bayan, siguradong makakamtan!”


readmore »»

19 April 2012

Mapagkunwaring laro

.
2 comments


“The carefree years”. Ayon sa iba, ganito daw ilarawan ang buhay ng mga batang paslit. Puro laro lang kasi ang nasa isip nila. Ang buong maghapon ay ginugugol sa paglalaro, at ang mga oras ay pinalilipas sa paglilibang. Hindi rin matatapos ang isang araw nang hindi sila nakakapaglaro, napapawisan, at kung minsan ay nadadapa at nasusugatan. Sabi nga ni LA “Idiodized Salt Boy” Lopez, “Eh kasi, bata!”. Marami din ang nagsasabi na malakas ang imahinasyon ng mga bata. Tunay nga naman dahil ilang beses na nga ba tayo nakapag-imbento ng mga laro noon na naisip lang natin bigla mula sa kung saan at sa ‘di malamang kadahilanan?
Isa sa mga nakakatuwang laro noon ay ang tinatawag na mga mapagkunwaring laro. Hindi ito isang uri ng laro para sa mga plastik na bata (dahil hindi daw nagsisinungaling ang bata) at sa mga pakitang tao lang. Sa unang tingin (o unang basa), aakalain mong mala-out of this world ang mga larong ito. Pero nagkakamali ka dahil sigurado ako na walang batang hindi nakapaglaro ng mga mapagkunwaring laro noon. Pero anu-ano nga ba ang mga halimbawa ng mapagkunwaring laro?

Bahay-Bahayan. Ito na siguro ang pinakasimpleng halimbawa ng mapagkunwaring laro. Lahat naman siguro tayo ay nakapaglaro na nito. Sa pamamagitan ng ilang mga patapong kagamitan sa bahay na gagawing pundasyon sa pagtayo ng bahay-bahayan ay maaari ka nang maglaro nito. Pangkaraniwan nang ginagawang bahay ang balikbayan box. Paboritong bahay ito ng mga paslit na wala pang kamuwang-muwang sa pinaggagawa n’ya sa buhay. At ang pinaka-pinto nila ay ang tuktok ng kahon, na nagsisilbi ring bubong ng bahay-bahayan. Ayos lang naman ‘yon dahil bata pa sila at hayaan na lang natin sila. Problema lang kung sa totoong buhay eh sa bubong ng bahay n’yo talaga kayo dumadaan. Malamang ay may tama ang mga taong nakatira doon o kaya naman eh ‘yung bahay mismo ang siraulo.
Sa mga tauhan naman ng bahay-bahayan, basta’t may lalake at babae ay ayos na. Kadalasang nagiging nanay-nanayan at tatay-tatayan ng bahay-bahayan ang magka-love team, tinutuksong love team, o ‘yung may crush sa isa’t isa sa buong tropa. Minsan naman ay ‘yung mga pinakamatanda sa grupo ang magulang-magulangan para magsilbing role model ek-ek sila sa mas nakababatang kalaro. The rest ay magsisilbing anak-anakan ng nanay at tatay (o kaya ‘yung mga wala nang role talaga). Paminsan-minsan ay meron pa ngang katulong o yaya, sila ‘yung mga kinakawawa sa grupo at laging etsepwera. Minsan nga meron pang alagang aso kuno, ‘yung saling pusa lang o pinakabata sa grupo.
Pero hindi porke’t walang babae sa grupo ay hindi na puwedeng maglaro nito. Ayos lang kung puro lalake kayong mga naglalaro. Tulad namin ni utol dati. Naglaro kami ng bahay-bahayan pero kunyari ay magka-kapitbahay kami at may sari-sarili kaming pamilya (pamilyado na ang mga ungas!). O, ‘di ba hanep. Pero puwede rin naman maging nanay at tatay kahit walang babae. Sana lang ay may lalakeng magsakripisyo para maging nanay, tutal alang-alang lang naman ‘yon sa ikagaganda ng bahay-bahayan. Mas magandang magpanggap na babae ang mga bata pa lang eh pumipilantik na ang daliri para kahit paano ay may preview na s’ya sa magiging buhay n’ya paglaki kung saka-sakali.
Wala na akong maalala na unforgettable moment kapag naglalaro kami ng bahay-bahayan, liban lang noong minsang nag-away kami ni utol habang nagbabahay-bahayan (hindi ko na matandaan ang pinag-awayan namin) at nakatulog si utol nang umiiyak habang may nginunguya pang bubble gum na nakalimutang iluwa kaya dumikit na sa baraha o playing cards. Wala lang, nabanggit ko lang.
Wala akong alam sa kasaysayan ng larong ito at kung sino ang grupo ng mga batang paslit na unang naglaro nito. Pero dahil sa larong ito, ang mga bata ay nagkaroon ng preview sa kanilang paglaki, at kung ano ang maaari nilang maranasan kapag nagkaroon na sila ng pamilya sa hinaharap, bagamat masyado pa silang bata noon para magka-pamilya.

School-Schoolan. Isa ito pinaka-paborito kong mapagkunwaring laro. Katulad ng isang normal na paaralan, may magsisilbing guro at mga estudyante sa larong school-schoolan o aral-aralan/titser-titseran. Madalas na maging guro ang mga batang matalino at ‘yung may “leadership potential”, at ang ibang bata naman ang magiging estudyante. Pero minsan, ang mga nakakatanda (tito, tita, magulang) ang umaaktong guro at taga-check ng papel.
Labag sa batas ng school-schoolan ang magsuot ng uniporme. Dahil naglalaro lang naman, walang opisyal na porma ang school-schoolan. ‘Yan ang isa sa mga adbentahe ng larong ito dahil hindi na kailangan pang magsuot ng magara para lang may matutunan. Kahit nga nakahubo’t hubad ka eh ayos lang, basta’t katulad sa totoong eskwelahan ay maging masipag kang mag-aaral (at s’yempre dapat ay malakas ang apog mo para gawin ang bagay na ‘yan).
Sa aming magpipinsan ay ako lagi ang guro sa school-schoolan namin dati. Dahil grade one pa lang ako noon sa totoong buhay at ang adviser ko ay si Miss Capiral, s’ya ang ginawa kong modelo sa school-schoolan namin. Naging istrikto din ako sa mga pinsan ko kumbaga. Namamalo pa ako noon ng mga kamay ng mga pinsan ko kapag may hindi sumusunod. Feel na feel ko talaga noon ang pagiging maestro. Kaya naman minsan akong nangarap na maging guro (isa sa mga ibang klaseng pangarap ko noong bata bukod pa sa maging nobelista, piloto, at pari).
Meron akong isang hindi malilimutang pangyayari sa paglalaro namin ng school-schoolan. Spelling ang subject namin noon. May isang salita ako na pinapa-spell sa mga estudyante kuno ko na nagsisimula sa letter B (nakalimutan ko na kung ano ‘yung word na ‘yon). Ewan ko kung paano napunta sa puntong nagbigay ako ng clue. Ang sabi ko sa kanila, “ang simula ay letter B as in bobo”. Gulat na gulat sila. Nagmura daw ako. Oo, maselan talaga kami dati sa mga mura, kahit ‘yung mga salitang “bobo” o “tanga”. Mangiyak-ngiyak na ako noon dahil tinatakot nila ako na isusumbong daw ako dahil nagsabi ako ng “bobo”. Sabaw moments. Grabe, ewan ko ba kung masyado kaming mabait noon o engot lang talaga kami. Siguro eh masyado lang kaming ginabayan ng mga magulang patungkol sa mga pananalitang ‘yan.
Ang pinakagusto kong parte bilang guro ng school-schoolan ay kapag nagche-check na ako ng mga papel ng aking mga estudyante. Naipapraktis ko kasi ang pirma ko. Adik kami sa iba’t ibang pirma noon lalo na ng mga kaklase ko. Ginagaya namin sa scratch paper ang mga pirma ng ilang sikat na personalidad tulad nina Gary Valenciano, Joseph Estrada, Richard Gomez, at iba pa. Kung sariling pirma naman ang pag-uusapan, mas magulo ang pirma, mas astig dahil walang makakagaya nito. Nagkaroon pa nga ng pagkakataon na nagpagawa ako sa nanay ko ng stamper o pantatak na ‘yung signature ko ang nakalagay, para lang doon saschool-schoolan namin. Astig, parang bigatin akong tao noon dahil pa-stamp stamp na lang ako sa mga papel! Tapos ako pa mismo ang gumagawa ng exams ng mga estudyante ko. Hindi lang basta exam dahil typewritten ito at pina-photocopy ko pa sa tatay ko! O, ‘di ba damang dama ko talaga ang maging guro noon.
Nakakatuwa lang isipin na noon eh nagagawa pa nating maglaro ng aral-aralan samantalang sa ngayon, kahit ang mag-aral sa totoong buhay eh tamad na tamad tayo. Patunay kaya ito na mas masipag ang mga batang paslit kesa sa ating mga nagbabata-bataan? O sadyang inosente lang talaga sila kumpara sa mga ganitong edad natin na bukas na ang pag-iisip?
Masipag talagang maglaro ng school-schoolan ang mga kabataan noon. Meron din kayang naglalaro ng school-schoolan sa college? Sigurado akong wala na. Pero kung meron man, eh ‘di s’ya na! The best s’ya!

Luto-Lutuan. (Hindi ko na kailangan pang ikuwento ito dahil minsan ko nang naikuwento ang tungkol dito. Pindutin mo na lang ang link na ito. Pero dahil ganado ako ngayon, meron pa akong idadagdag. Pasens’ya na, magtiis ka! Biro lang.)
Kahit mag-isa ay nakakapaglaro ako ng luto-lutuan noon sa may likod-bahay ng lola ko. Gamit ang mga lumang lata, posporo na pinapasindihan ko sa tita kong tibo, at mga dahon galing sa iba’t ibang uri ng halaman (lalo na ang dahon ng sampalok dahil may puno ng sampalok sa likod-bahay ng lola ko dati), wala akong ginawa sa buong maghapon kundi magmukhang mangkukulam at maghalo nang maghalo nang maghalo hanggang sa abutan ako ng dilim.
Nakakatawa lang dahil noong bata pa ako ay binili kaming dalawa ni utol ni inay ng plastik na luto-lutuan! Tunay na lalake kami ni utol pero ewan ko kung bakit kami naisipang ibili ni inay ng ganoong klaseng laruan. Nakita n’ya kasi siguro na nagluluto-lutuan kami noong isang araw. Buti na lamang at minsan lang nangyari ang insidenteng ‘yan.
Bukod sa bahay-bahayan, school-schoolan, at luto-lutuan, may iba pa kaming nilalaro noong bata. Ang ilan siguro ay pawang mga imbento lang namin, tulad ng mga sumusunod:
Office-Officesan. Kung merong bahay at pag-aaral, s’yempre dapat ay meron ding trabaho. Mahilig kaming mangolekta ni utol noon ng mga“pome” o patapong mga papel at kunyari ay nasa isang opisina kami. Magkumpare at magkatrabaho kami kuno ni utol. At nga pala, kami din ‘yung magka-kapitbahay doon sa larong bahay-bahayan na nabanggit ko kanina.
Darling-Darlingan. Ah! Ang mapagkunwaring laro ng mga malilibog at mapagpantasyang mga paslit. Ito na siguro ang pinaka-kakaibang laro na naimbento namin noon. May kaugnayan din ito sa larong bahay-bahayan at luto-lutuan. Magsisilbing asawa o “darling”namin ang mga crushes naming artista o personalidad, na nasa katauhan ng sarili naming mga unan (pillows). Ilang beses din kaming naglaro nito ni utol at ng mga pinsan ko. Nakakatawang isipin na asawa daw kunyari ni pinsan si Mara (Judy Ann Santos ng Mara Clara) at pinaka-ayaw n’yang babae si Clara (Gladys Reyes). Asawa naman daw ni utol sina Kimberly (Pink Ranger), Ginger Spice at Baby Spice (Spice Girls), at kung sinu-sino pa. At dahil nagkabistuhan na, aaminin ko na rin na pinagpapantasyahan kong maging asawa noon sina Andrea Corr (vocalist ng The Corrs), Katie Holmes (na-love at first sight ako sa kanya pare), Posh Spice (kahit na s’ya ‘yung mukhang bading sa grupo), at iba pa. Tara,darling-darlingan tayo! <*ngisi!*>
Nakaka-miss ang maglaro ng mga ganyang klase ng laro. Bagamat hindi naman talaga sila totoo eh nagiging tunay na rin ito lalo na sa mga mata ng bata. Marahil ay ganyan talaga kalakas ang imahinasyon ng mga bata. Kung sabagay, ganoon naman talaga kapag musmos, ang lahat ay laro lang para sa kanila. Pero ang totoo, sa mga larong ito ay nagkukubli ang mga kainosentehan nila, at ang mga aral na hindi sinasadyang matutunan at mga kaibigan na hindi inaakalang makikilala.
Ikaw, ano ang mapagkunwaring laro n’yo ng mga kalaro mo noon?
Gusto mo ng malulupit na kwento ?? Punta ka dito :)

readmore »»

18 April 2012

Nakatikim ba kayo ng Magnolia (Flavor Of The Month)?

.
0 comments


Ice cream na siguro ang isa sa mga pinakakilalang panghimagas saan mang sulok ng mundo na walang pinipiling panahon. Sino nga bang mag-aakala na ang isang simpleng pagkain na gawa sa iba’t-ibang pinatigas at pinalamig na mga sangkap ay magiging paborito ng mga bata at matanda, may ngipin o wala, tag-init man o tag-lamig? Dito sa Pilipinas ay madalas nilalako ang pagkaing ito. Ang pagkuliling ng ice cream cart niMamang Sorbetero habang naglalakad sa maalikabok at mausok na lansangan habang bilad sa init ng araw sa buong maghapon ay naging dahilan kung bakit nakasanayang tawagin ang nilalakong pagkain na ito bilang dirty ice cream. Kung mga tatak ng ice cream naman ang pag-uusapan, kilala d’yan ang Selecta, Nestle, Ben & Jerry’s, Coney Island(naaalala ko ‘to, wala nang ganito ngayon), at Magnolia.

Sa ngayon, tatlong kompanya ng ice cream ang sikat sa ating bansa: Selecta, Nestle, at angMagnolia. Tinatag noon pang taong 1925, ang Magnolia Dairy Ice Cream ay nakilala noon sa mga hindi pangkaraniwang flavor ng ice cream na malimit ay iba’t-ibang prutas tulad ng avocado, macapuno, buko salad, buko pandan, at fruit salad (lahat na ng prutas!).
Sumikat ang Magnolia dahil sa kanilang Flavor Of The Month, isang special edition ice cream na inilalabas sa bawat buwan (kaya nga tinawag na Flavor Of The Month). Buwan-buwan ay naglalabas ang kompanya ng isang hindi pangkaraniwang flavor ng ice cream na s’yang pumapatok sa panlasa ng mga Pilipino. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit buwan-buwan ay bumibili tayo ng galun-galong ice cream. Kung sabagay, sa estado ng mga presyo ng bilihin ngayon eh malamang abot-kaya pa sa bulsa ang isang galon ng ice cream at hindi ka pa mamumulubi kahit ilang galon pa ang bilhin mo.
Noong unang panahon ay bihira pa lang dito sa Pilipinas ang ice cream flavors na tulad ngBanana Split, Coffee Crumble, Cookies And Cream, Double Dutch, Sweet Corn, at iba pa. Pangkaraniwang flavor ng ice cream noon ang chocolate, vanilla, strawberry, ube at ang mga tipikal na Pinoy favorites tulad ng keso, mango, at ang mga nabanggit ko kanina sa ikalawang talata (sana nabasa mo ‘yun dahil hindi ko na uulitin. Belat. Biro lang).
Bilang halimbawa, makikita sa larawan ang isang May edition ng Flavor Of The Month ngMagnolia, at ito ay binansagan nilang Golden Nangka Fiesta. Okay, hindi ko alam ang nilalaman ng ice cream na ito at kung ano ang lasa nito dahil Flavor Of The Month ito noon pang May 1980. At noong mga panahong ‘yon, hindi pa ako tao at nasa “ligawan” stage kuno pa lamang ang aking mga magulang. Pero kung pagbabasehan ang nasa larawan, mukha s’yang fruit salad na puro langka lang siguro ang sangkap. Kung ganito man nga ‘yun, malamang ay maumay ka nang lubusan lalo na kung hindi ka mahilig sa langka dahil mukhang magkakaroon ng isang masayang fiesta ng mga langka sa iyong lalamunan.
Sa ikalawang larawan naman ay makikita ang isa pang hindi pangkaraniwang edisyon ngFlavor Of The Month ng Magnolia. Oo, tama ang tingin mo, Chico nga ‘yan. Marahil pangkaraniwan na sa atin ngayon ang ganitong formula, ‘yun bang ginagawang ice cream ang isang prutas. Pero ibahin mo ang chico flavored ice cream na ito dahil special edition ito noon pang 1954 – ang panahong isang napakasosyal at mala-ginto kung ituring ang presyo ng isang kilalang brand ng ice cream. At noon ding mga panahong ‘yan ay binubuo pa lamang ng aking mga lolo’t lola ang aking mga magulang.
Hindi na bago ang ganitong flavor ng ice cream ngayon. Kung napanood mo noong nakaraang Sabado ang programang Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA 7, tinalakay doon ang mga bagong klase ng ice cream o sorbetes na gawa sa mga katutubong prutas at gulay ng Pilipinas tulad ng kaimito, chesa, gabi, kalamansi, at kalabasa.
Paminsan-minsan ay may mga pagkakataong binabagay ng Magnolia ang Flavor Of The Month sa kung ano ang napapanahon. Halimbawa, kung panahon ngayon ng saging eh banana flavor o kaya may kaunting sipa ng saging ang gagawin nilang Flavor Of The Month. Minsan naman ay may kinalaman sa okasyon ang Flavor Of The Month. Halimbawa, ano ang mga popular na pagkain tuwing sasapit ang panahon ngKapaskuhan? Ilan sa mga ito ang fruitcake, queso de bola, fruit salad, kastanyas, at iba pa, kaya ang pangkaraniwang Flavor Of The Month tuwing sasapit ang Disyembre ay cheese flavor, fruit salad, o chestnut flavor. (Hanep. Bakit ba ako nagpapaliwanag?)
Ang isa pang maganda sa Magnolia ay ‘yung lalagyan o containers nila ng ice cream. Gawa ito sa plastic pero masasabi kong “easy to open” ang kanilang mga sisidlan. Hindi mo na kailangan pang mag-exert ng effort sa pagbubukas sa takip ng Magnolia ice cream, hindi tulad ngayon na kinakailangan pang masugatan ang daliri para lamang mabuksan ang kalahating galon ng ice cream na merong nakalagay na “pull” sa gilid ng mga takip nito (karaniwan itong makikita ngayon sa mga galon hindi lang ng Magnolia kundi pati na rin ng Selecta. Dali, tingnan n’yo. Hehe). At maganda ring i-recycle ang container nito dati dahil bilog na bilog, maluwang at wala pang lubak ang ilalim na bahagi.
Nagtataka lang ako kung bakit inalis na ng Magnolia ang kanilang Flavor Of The Month. Masarap pa namang mag-eksperimento paminsan-minsan at maglabas ng iba’t-ibang uri ng ‘di pangkaraniwang flavor ng sorbetes. Hindi ba sila masaya kapag buwan-buwan ay inaabangan ng mga tao ang kanilang Flavor Of The Month? O kung meron pa nito, bakit hindi ko na sila nakikita sa merkado? O baka wala na s’ya talaga dahil hindi na sapat ang mga sangkap na kagulat-gulat? O baka hindi na nila ito masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil hindi na kagulat-gulat ang mga klase ngayon ng sorbetes? Gaya na lang sa ibang bansa, ginagawa nang ice cream ang tinta ng pusit, spaghetti, bacon, beer, caviar – pati viagra eh hindi pinatawad! Demontres na ‘yan. Siguro eh hindi na ako magugulat kung minsan isang araw eh bigla na lang umusbong sa mga suki nating tindahan ang condom flavor na ice cream. O baka mamaya pati ang mga gamot at energy drinks ay gawin na ring ice cream. Humanda na kayo sa Biogesic ice cream (si Pareng John Lloyd ang endorser s’yempre), Solmux ice cream, Immodium ice cream, Alaxan “if-ar” ice cream (dagdag na naman sa katakut-takot na endorsements ni Manny Pacquaio), at Cobra o Sting ice cream. (Ganito pala ang pakiramdam ng isang linggong hindi nakakakain ng ice cream, nagiging sabaw sa kuwento.)
S’ya nga pala, minarapat kong hatiin ang post na ito dahil sobrang haba. Isa pa pala ito sa mga pakiramdam ng isang linggong walang ice cream – kuwento nang kuwento ng kung anik-anik! Sa susunod kong balik-tanaw post, ikukuwento ko naman ang tungkol sa <*tunog ng tambol*> Magnolia Frozen Delights! (Yikes.)

readmore »»

17 April 2012

Umasal Lamang Nang Ayon sa Ganda:

.
0 comments

by the MASTER OF BLUNT HIMSELF... Lourd Ernest Hanopol de Veyra

Q: Bakit kailangan nito sa mga panahon ngayon?

Dahil sa mundong pataas nang pataas ang stress levels, dala ng banta ng climate change, kriminalidad, trapik, polusyon. Wala nang mas nakakakulo ng dugo kesa sa isang taong hindi umaasal nang ayon sa kagandahan.

Q: Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pilosopiyang ito?

Ilang gabay, alituntunin, at halimbawa:

• Kung di naman kagandahan ang katawan (at lalo na kung tadtad ng kurikong ang balat), ‘wag mag-post ng mga Boracay pics sa Facebook. Polite lang ang mga kaibigan mo pero pinagtatawanan ka nilang lahat. ‘Yan ang mapait na katotohanan.
• ‘Wag artehan ang pananalita. Wag lagyan ng impit at kulot kung wala rin lang natural na impit at kulot ang dila mo—unless lumaki ka sa US, nag-aral sa mamahaling paaralaan, nakatira sa exclusive subdivision, o nanggaling sa pamilya ng mga panginoong may-lupa.
• ‘Wag magpumilit mag-Ingles kung di ka rin lang naman lumaki sa Forbes Park o nag-aral sa I.S. Mas lalong wag na wag kung mali-mali rin lang naman ang Ingles mo.
• ‘Wag mag-sleeveless kung maitim ang kili-kili. ‘Wag na ‘wag mag-sleeveless kung maitim na nga ang kili-kili, pamalo pa ng dalag ang mga braso mo. Mas na mas na ‘wag—nakikiusap kaming lahat lalo na ang mga tropa ko dito sa Project 2—lalo na’t lumalabas ka pa sa TV. Alam naming karapatan ng bawat tao sa mundong itong magsuot ng sleeveless, pero tandaang karapatan din naming laitin ka nang bonggang-bongga.
• Kung di rin lang naman kagandahan, wag magti-tweet ng “WALANG GUWAPO DITO” dahil masaklap ang tatalbog sa iyo na paghusga. Wag rin magti-tweet tungkol sa kalidad ng wine lalo na’t bisita ka lang. At kahit na may training ka sa oenology, ‘wag manglalait ng wine ng ibang tao—lalo na’t pinapasuweldo ka ng taong bayan.
• Kung ka-edad mo na si Madonna, wag nang labanan ang makinarya ng panahon at isipin na ikaw pa rin ang seksing haliparot noong 1985. Kahit cultural icon ka na. Ang pagsuway dito ay magdudulot lamang ng matinding bangungot sa mga milyong-milyong tao tulad ng sa latest mong music video.
• Kung ‘di rin naman talaga model, huwag tangkaing mag-model—maliban na lang kung ang produkto ay hollow blocks o kaya’y Pigrolac. Sinadya ng Diyos na bigyan ng angkop na tangkad at ganda ang ibang tao para sa trabahong ‘yun.

Q: Ano ang kinaiba nito sa “Kung ‘di rin lang kagandahan, wag mag-inarte?”

Wala masyado—magkamag-anak nga sila, in fact. Pero masyado namang garapal itong nasa itaas. Pero ‘yan ang masakit na katotohanan: marami talagang hindi umaasal nang ayon sa ganda.

“Things that are pure within themselves evoke pleasure, thus beauty,” ika nga ni Socrates. Sa Tagalog, naaalibadbaran tayo sa di-kagandahan. Lalo na’t nag-iinarte pa.

Ang di pagsunod sa batas na ito ay nagdudulot ng mga di-kanais-nais na pakiramdam sa mundo. Basic human courtesy lang dapat, di ba? Hindi tayo umuutot at pinapaamoy sa katabi natin. Hindi natin dinuduraan ang pagkain nila. Pag humihikab tayo, tinatakpan natin ang ating bunganga. Ang pag-ebs ay isang pribadong aktibidad at hindi natin ipinagmamalaki sa ibang tao.

Q: Bakit marami pa ring mga taong hindi kagandahan na hindi likas na sumusunod sa pilosopiyang ito?

Hindi ko rin alam. Bakit ba may mga taong nagnanakaw? Bakit may mga taong pumapatay? Bakit may mga mahilig manood ng child pornography o kaya bestiality? Bakit may mga opisyal sa gobyernong nakaw pa rin nang nakaw kahit na sobra-sobra na ang mga pera nila sa Switzerland?

“Good nature will always supply the absence of beauty; but beauty cannot supply the absence of good nature,”ika nga ng Briton na si Joseph Addison. Ang mahirap ay kung pangit ka na nga, maarte ka pa at masama pa ugali mo. Yung mga ganoon ay wala na talagang pag-asang lumigaya sa mundo kahit ilang hamster o pusa pa ang alagaan nila.

Q: Ano ang karaniwang nangyayari kapag hindi umasal nang naayon sa ganda ang isang tao?

Wala naman sigurong direktang koneksyon ang stress at ang mga di-kagandahang billboards sa Edsa, pero tingin ko yung kay Joel Cruz Aficionado ay isang ehemplo ng hindi umaasal nang ayon sa ganda. Ang isa pa ay yung kay Ellen Lising ng Ellen’s Aesthetic Surgical Center (Naaalala ko bigla yung The Crow. O kaya yung Joker ni Heath Ledger sa Dark Knight). Naiintindihan ko na karapatan nila ang ilagay ang mga pagmumukha nila sa mga naglalakihang tarpaulin sa bawat sulok ng Maynila. Pero magkaiba yung pag-promote ng negosyo sa pananakot sa kapwa tao.

Q: Ibig sabihin ba nito: Ang mga pangit ay wala nang karapatan mag-inarte?

Kung magdudulot ng pagtatalo sa magkakaibigan, argumento sa magkaka-opisina, suntukan sa bar dala ng kaartehang ito--- oo, wala silang karapatan.
Pero, nasa demokrasya pa rin naman tayo. Kaya, sorry na lang ako.

Q: Totoo bang pinagpapala o mas sinesuwerte ang mga taong umaastang sapat lamang sa kanilang natural na ganda?

Higit pa sa pagpapala ang ihahain sa iyo ng langit. Kabit-kabit kasi yan. Una, hindi maiismiran ang iyong dangal. Hindi ka pagbubulungan. Hindi ka pagpipyestahan ng kritisismo at tsismis. Kung walang maipipintas, walang papasok na panlalait sa aura mo, walang magnet ng negatibo. Despues, gagaan ang buhay. Tiyak na ang pagpasok ng swerte sa buhay.

Q: Magbigay ng mga halimbawa ng mga taong umaasal lang nang angkop sa kanilang ganda.

A. Buti na lang marami pa sila. Si Lucy Torres Gomez ay isang halimbawa nito. Kung tutuusin ay may karapatan siyang umasta sa anong paraang nais niya—dahil siya naman talaga’y diyosa ng kagandahan. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon ay hindi niya kailanman inabuso ang pribelehiyong ito. Alam niya kung anong asta ang bagay sa kanya. Laging nakangiti, mabait ang pakikitungo sa tao. Hindi binabalandra sa madla ang kanyang mga mamahaling damit at pabango.

Shalani Soledad, maganda at sikat pero hindi rin nakitaan ng angas. Simple lang siya. In fact, siya pa rin ay larawan ng lumanay kahit sa gitna ng ingay at gulo ng game show. Masdan at pakinggan kung paano siya magbilang ng “…One… two… three… Goooow!”


Q: Bakit naman ito pa ang napili nating pag-usapan sa pagpasok ng bagong taon at hindi ang mga hula-hula at mga pampasuwerte sa buhay?

A: Dahil wala akong bolang kristal at wala ka ring makikitang turban sa ulo ko. Umaasal lang ako ayon sa aking ganda.


** Umarte lang ng ayon sa ITSURA , madaling sabihing MAGANDA ka pero mahirap hanapin kung SAN BANDA?
--- Jocelle Dela Cruz

readmore »»