27 April 2012

Spice up your life with Spice Girls

.



Kapag pinag-usapan ang dekada nobenta, hindi pwedeng mawala sa listahan ang Spice Girls. Para sa mga hindi pamilyar sa kanila, ang Spice Girls ay isang British pop girl group na sumikat sa nasabing dekada. Kung merong boy band, meron ding girl band at sila ‘yon. Halos lahat ng mga awitin nila ay sumikat at tinangkilik ng madla, partikular na ng mga kabataan. Ilan sa mga ito ang Mama, Spice Up Your Life, Too Much, Stop, Viva Forever, at ang dalawa sa mga kanta nilang pinaka-sumikat: ang Wannabee (If you wanna be my lo-vah, you gotta get with my friends…) at ang 2 Become 1 (I need some love like I’ve never needed love before, wanna make love to yah, baby…). At marami pang iba.

Bukod sa kanilang chart-topping hits, nakilala rin ang Spice Girls dahil sa ilang bagay. Una na ang pagkakaroon nila ng kakaiba at nakakatuwang palayaw. Si Geri Halliwell ay ang kanilang leader na merong pulang buhok at kilala bilang si Ginger Spice. Si Emma Buntonay ang super cute, maputi at may blonde hair na si Baby Spice. Si Victoria Beckham ay ang prim and proper na si Posh Spice. Si Melanie Chisholm o Mel C ay ang palaban na si Sporty Spice. At si Melanie Brown o Mel B naman ay ang negrang kulot na si Scary Spice.


Isa rin sa trademark ng Spice Girls ay ang pagsusuot nila ng mga sapatos na halos dalawang palapag ang lapad ng takong, tulad ng mga suot nila sa larawan. Nauso rin ang ganitong fashion dito sa Pinas noong kasikatan nila, lalo na sa mga kababaihan.

Nawala lang siguro ang pagkahilig namin sa Spice Girls nang minsang matsismis na ilan daw sa myembro nito ay bading. Ang hula namin noon ay si Posh at Sporty Spice ang bading. (Kayo, ano’ng hula ninyo?) Pero katulad ng mga tsismis, hindi ito nabigyan ng linaw at hindi rin napatunayan.

Hindi pa rin napigil ang pagsikat ng Spice Girls kahit na ang ilan sa kanila ay nagsipag-asawa. Una nang lumagay sa tahimik si Ginger Spice na naging dahilan para tumiwalag siya sa grupo. Sa kabila nito, pinagpatuloy pa rin ng girl group na ito ang kanilang “pagpapa-anghang” sa music scene kahit apat na lamang sila. ‘Yun nga lang, hindi na sila kasing-popular noong dati.



Katulad nga ng ilang mang-aawit, hindi naglaon ay nawala sa sirkulasyon ang Spice Girls at naibaon na rin sa limot ang kanilang mga awitin, bagamat nagkaroon pa sila ng reunion at bagong album noong 2007 na may carrier single na Headlines (Friendship Never Ends) na halos hindi rin gumawa ng ingay sa music scene.

Nawala man ang dating charisma ng Spice Girls, hindi pa rin mabubura sa alaala ng dekada nobenta na minsan ay may isang girl group na nagbigay ng anghang sa musika ng buhay.

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n:

Post a Comment