26 June 2012

Proud PUPian kba ?

.




Tuwing sasapit ang October .. hindi magkandaugaga halos lahat ng high school grads sa pagaasikaso ng form para makakuha ng Entrance Exam Permit sa PUP . Eh bakit hinde ? Sobrang mura ng tuition fee dito ! Pro-filipino nga talagang matatawag . With 12/unit eh makakaraos kna ng isang semester na ang babayaran ay hndi aabot sa One thousand pesos (P1,000.00) ! Ayaw mong maniwala ?


Salamat sa Print Screen , oh eto pruweba .. Click mo nalang para lumaki ^^




Nung First year/ First sem 802 lang binayaran ko .. dapat nga mas mababa pa eh kaya lang kame ang napag-tripan lagyan ng SIS ek-ek na to kaya majo malaki pa yan pero di na masama diba ? Halos pang-Wensha Spa nyo nga lang ata yan eh ! Nung Second Sem naman mejo tumaas at pasensya naman kc ang sabi ko di aabot sa 1k di ba ? In every rule there is an exemption .. ito na nga un . parang ginawa kasi nilang mandatory na lahat magkaron ng PE Uniform kaya ang wais na Admin , nilagay na agad sa bayarin ni Isko/Iska kaya umabot tlaga sa 1,042 . Baka naman magreklamo kna nya ?! Mas mahal pa nga ata yang Class A mong imitation bag eh ! Tapos eto na yung breakdown ng iba para sa mga tamad na i-click ung image para lumaki :

2nd Year: 
700
700

3rd year:
599
619

4th year:
633
613

Isipin nyong mabuti , kahit kayo lang mismo kayang kaya nyo ng pagaralin mga sarili nyo eh . Lakas nyo makipag-date at mag-dota tapos pang-enroll wala kayo ! Di ganon men !

Wag nyo na pansinin ung nasa pinaka-baba .. kautangan ko yan . ang laki noh ? Tentawsanporhandredpiptin (P10,415) ! Para yan sa College of Law . Waley peypey kaya half muna binayaran ko , gusto mo ikaw na magbayad nung kulang (de , joke lang) saka bka mamaya mauntog ako bigla at matauhan na ayoko na palang ituloy kahibangan ko sayang naman ung ipambabayad ko ng buo di ba ? Pero malayo pa yun sa isip ko , nagsisimula pa nga lang eh . Hndi pa nga ako nakakapag-all pink sa moot court tapos ayaw na agad ?! Nga pla , kung gusto nyong sumubaybay sa Drama ni Corona este sa isa ko pa palang blog tungkol sa aking No holds barged na pang-iinvade sa PUP College of Law at sa kung ano-anong kaeekekan na gawain ng isang Extremely Hot Law Student Chic eh halika at pasukin natin ang mundo ng "The Legally Blunt"


Hindi yan EK (Enchanted Kingdom) ha ! Eskwelahan namin yan ! Astigin di ba ? May chuvang mapa pang nalalaman .. Ktnx !



Ito yung logo ng College of Economic, Finance and Politics kung saan nakapaloob ang Department of Political Science and Public Administration kung saan myembro ang Political Science Society na kinabibilangan ko ^^ anu daw ?!



At chanan ! confetti! confetti! confetti! Ang pinagmamalaki kong logo ung PUP College of Law , please me kung maxadong feelingera ang peg ko . hndi kc lahat nbbgyan ng pagkakataong magaral sa npaka-murang halaga.  At OO ! kht persyir plang ako sa mundo ng College of Law , masasabi kong milestone na ito sa aking career ?! What the ?! Anong career ?! Ah basta .. SOON :)


Welcome nga pla sa mga kapwa ko Iskolar ng Bayan !




At sa mga malalakas ang loob jan na gustong pumasok sa mundong ginalawan ko .. ito lang ang masasabi ko:


galing kay Kuya Franz ng "The Franz and the Furious" ang banner na yan

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n:

Post a Comment