27 February 2012

Bob Ong vs. Yours Truly

.



Bob Ong : Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso…Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal


Ako : Kailanman di mo pwedeng pagdikitin ang dalawang tenga maliban na lang kung tanggalin mo, alam mo yan! at hindi porket marunong kang makinig ay marunong ka ng magmahal, saka paano naman ung mga bingi?, gusto mo ba sabihing hindi sila marunong magmahal?


Bob Ong : Ang pag ibig Parang elevator lang yan, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.

Ako : Di ka ba pwedeng maghintay? babalik din naman ung elevator, wala ka lang talagang tyagang maghintay…pagbalik nun wala nang laman, pwede ka nang sumakay…magtatalon ka pa dahil sa sobrang luwang ng elevator.

Bob Ong : Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din

Ako : Ang problema, kahit anong gawin mong landi eh walang pumapansin sayo…may mangyayari kaya sa buhay mo?

Bob Ong : Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila

Ako : Kung totoo man to, ibig sabihin walang taong umiibig, ganun ba? kasi halos lahat nakakatulog lalo kapag inaantok.


Protected by Copyscape Online Plagiarism Detection

1 comment

Anonymous said...

metaphor kasi yan.

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n:

Post a Comment