14 February 2012

Sapatos.

.

Naaalala ko noong nagpunta kami sa mall para bumili ng isang pares ng sapatos. Sa tinagal-tagal ng pamimili ko, nahirapan talaga akong mamili ng sapatos na gusto ko talaga. Hanggang sa may nakita na nga akong sapatos na nakaagaw ng pansin ko.

Maganda. Mukhang matibay. Japorms.

Dali-dali kong pinuntahan yon at kinuha. Makalipas ang ilang sandali, sinubukan ko nang isukat yon. Nung isinusukat ko na, masikip, maliit, at masakit sa paa. Sinubukan kong pilit na pagkasyahin sa akin dahil yun ang sapatos na gusto ko talaga.

Sa pagpupumilit kong pagkasyahin ang sapatos na yon ay napagod rin ako. Hanggang sa narealize ko ang isang bagay:

Matuto tayong makuntento.

“Marami pang iba sa paligid ang hindi natin napapansin. Nagbubulag-bulagan lang tayo sa mga bagay na akala natin ay maganda. Huwag nating ipilit ang mga bagay na hindi nilikha para sa atin. Yun kasi kadalasan ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.”

0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n:

Post a Comment